PDu30, nagulat sa pagtakbo ng anak na si Mayor Sara sa pagka-bise Presidente
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
IKINAGULAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahain ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Bise Presidente lamang.
Sa panayam, sinabi ng Chief Executive na labis niyang ipinagtaka na number 1 sa survey si Mayor Sara subalit pumayag ito na Bise lang ang takbuhan.
Sigurado aniya ang Pangulo na ang naging pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-Bise ay desisyon na nila ni dating Senador Bongbong Marcos na kahit kailan ay hindi niya pinangakuang susuportahan.
Binigyang diin ng Pangulo na na kay Senador Bong Go ang kanyang buong suporta at ito ang kanyang prinsipyo.
Pag-amin ng Pangulo, naaawa siya kay Senador Go na hindi aniya napigilang maiyak sa mga naging pangyayari habang binigyang diin din ng Pangulo kung gaano naging katapat si Go sa tagal ng panahong kasama niya ito at nagserbisyo sa kanya. (Daris Jose)
-
MM, extended sa ilalim ng GCQ hanggang Enero 31, 2021
PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang General Community Quarantine ang Metro Manila ng hanggang Enero 31, 2021. Bukod sa MM, isinailalim din sa GCQ ang Santiago City in Isabela, Batangas, Iloilo, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified […]
-
PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG
HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]
-
Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela
KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]