PDu30, nakiusap kay President Xi Jinping na hayaan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa WPS
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hayaan lamang ang mga mangingisdang Filipino na mapayapang makapangisda sa West Philippine Sea.
“I told him: ‘We have no quarrel. So just leave the fishermen alone because they have to eat,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
“I know that it’s yours — according to you. I’ve heard that several times. But you know, you must also have heard of the fact that people are hungry,” aniya pa rin.
“Filipinos are hungry, and you are not oblivious to that fact. So kindly just allow our fishermen to fish in peace, and so there is no reason for trouble. If there is one, a brewing, you call our attention and we can talk immediately to solve the problem,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Ang kahilingan ng Pangulo sa China ay matapos mamataan ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) noong Marso 7, ang nasa 220 fishing boat ng Chinese sa Julian Felipe Reef.
Iniulat ng NTF-WPS na posibleng pinangungunahan ng mga Chinese maritime militia.
Ayon sa NTF-WPS na malubhang nakababahala dahil sa posibleng overfishing at pagsira sa maritime environment ganun din ang panganib sa safety of navigation dahil hindi naman umano sila nakikitang nangingisda kahit maganda ang panahon.
Ang Julian Felipe Reef ay nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf kaya may eksklusibong karapatan dito ang Pilipinas.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr,. na hihintayin muna niya ang rekomendasyon ng militar bago maghain ng diplomatic protest laban sa China na namataan.
Samantala, sinisi ni Pangulong Duterte sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa “pagkawala” aniya ng West Philippine Sea sa Pilipinas.
Sa kanyang Talk to the People noong Miyerkules ng gabi, isinumbat ng Pangulo kina Carpio at Del Rosario ang pagkatalo ng Pilipinas sa China matapos walang kahirap-hirap na nakuha ang Scarborough Shoal at Mischief reef noong panahon ng Aquino administration.
Si Del Rosario aniya ang nag-utos sa Coast Guard na umatras nang magkaroon ng stand-off matapos sumunod sa payo ng Amerika.
“Isang tanong lang kay Carpio pati kay Albert. Kung bright kayo, bakit nawala ang West Philippine Sea sa atin? Panahon nyo yon eh. Panahon nyo na nandiyan kayo sa puwesto. Eh kung bright kayo, bakit nawala? ” ang tanong ng Pangulo.
Nagtataka ang Presidente kung bakit walang ginawang aksiyon sina Carpio at sa halip ay hinayaang matalo sa China.
” Bakit hindi niyo sinabihan si Pnoy maggawa nito, gawa doon. Instead, nagretreat kayo. Ang naabutan ko talo na tayo. Ang China kumasa na ng husto na kanila talaga,” dagdag ng Pangulo.
Nagpadala aniya si Del Rosario sa payo ng Amerika kaya pinaatras ang mga barko ng gobyerno na naging mitsa para mawala ang ipinaglalabang mga teritoryo.
“Ikaw Albert, ikaw yung nagsabi sa Navy na ” umatras kayo” because of the Americans or you were afraid. Sa Bisaya yan nagkakak ka eh. Nawalan ka ng bayag diyan,” wika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng […]
-
Halos 100-K indibidwal apektado ng bagyong Julian sa Northern Luzon – DSWD
SUMAMPA na sa halos 100,000 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong “Julian” sa 3 rehiyon sa northern Luzon. Ayon sa Department of Social Welfare and Development Asec. at spokesperson Irene Dumlao na sa datos mula sa kanilang disaster response management, mahigit 29,000 pamilya o mahigit siyamnapu’t siyam na libong katao ang naapektuhan […]
-
Pinag-usapan ang pag-like at pag- comment sa IG post… DIEGO, pabirong sinabihan ni BARBIE ng ‘ako pala ang sinayang mo’
SAAN kaya nanggagaling ang grabeng hatred ng baguhan at bata pang director na si Darryl Yap? Na mukhang sa dami rin ng mga nababasa naming galit na sa kanya at nagsasabing dapat daw, i-cancel na ito, tila magiging malaking risk sa mga producer na kukuha sa kanya bilang director kung susuportahan ba ng […]