PDu30 nanindigang hindi sisibakin si Duque
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tatanggapin niya ang alok ni Health Secretary Francisco Duque III na magbitiw sa tungkulin subalit hindi niya ito kailanman sisibakin sa puwesto.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng naging panawagan ng publiko na palitan na si Duque bilang kalihim ng Department of Health (DoH) kasunod ng audit reports na di umano’y natuklasang “deficiencies” ng Commission on Audit sa paggamit ng DoH sa pondo para sa COVID-19 response.
“Ngayon, kung si Duque will offer to resign voluntarily tatanggapin ko pero kung ako magsabi sa kanya mag-resign siya, that will never happen,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.
Magkagayon man, sisibakin lamang niya si Duterte kung ito’y corrupt official.
“Pero kung may nakita akong mali sa kanya. Maski sampung libo lang talagang yayariin kita kasi ipinahamak ako sa tao,” giit ng Chief Executive.
Tila taliwas naman ang naging pahayag ngayon ng Pangulo sa nauna nang sinabi nito na tinanggihan niya at tatanggihan pa ang pagbibitiw sa puwesto ni Duque.
Isiniwalat ng Pangulo na makailang ulit nang naghain ng kanyang resignation letter si Duque subalit palagi niya itong tinatanggihan.
Ipinangako rin ni Pangulong Duterte na mananatili siya sa tabi ng Kalihim lalo pa’t wala naman siyang nakikitang mali sa liderato nito.
“Pero yung outright dismissal because it is the clamor of the public? Maski kami lang dalawa ni Duque and the rest of the Philippines, I will stand by him,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Pero I will never abandon that person… G*** ako pero may mga boundaries ako sa buhay ko,” dagdag na pahayag nito.
Nitong mga nakaraang araw ay naging maingay ang naging panawagan na magbitiw sa puwesto si Duque dahil sa COA reports na mayroong pagkakaiba-iba sa paggastos ng DoH sa COVID-19 funds.
Samantala, nilinaw naman ng Punong Ehekutibo na hindi niya pinipigilan ang COA sa trabaho nito subalt ang hiling lamang niya sa komisyon ay banggitin sa report nito na ang pondo ay hindi “corrupted”.
“Ang akin lang is presentation. Dapat ‘yan in your (COA) findings, there should be sort of a preamble na this is an audit report tapos wala kaming nakita, there is no corruption. There is no loss of funds,” ayon kay Pangulong Duterte. ( Daris Jose)
-
Seguridad para sa ‘pilot’ face to face classes, maaasahan – PNP
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na plantsado na ang seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na nagsimula, December 6. Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, mayroon silang listahan ng mga kasaling paaralan kung saan aasahan ang deployment ng kanilang mga police personnel. […]
-
PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets
HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections. Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.” Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala […]
-
55 Delta variant ng COVID-19 naitala sa bansa
May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health. Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus. Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na. Nasa 37 […]