PDu30, naniniwala na maaaring maging Pangulo ng bansa si Willie Revillame
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring maging pangulo ng bansa ang TV host na si Willie Revillame.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang video na lumabas noong nakaraang linggo kung saan hinihikayat ni Pangulong Duterte si Revillame na tumakbo sa pagka-senador.
“I have a copy of the video greeting of the President. Ang sabi nga po niya tumakbo ka ng senador pero sa bandang huli rin sabi rin po niya na pu-puwedeng magpresidente si Willie Revillame ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“It’s a video greeting of sorts ..so it’s not a… new meeting between Willie and the President,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, hinihikayat ni Pangulong Duterte na tumakbo bilang senador ang “Wowowin” TV host na si Willie Revillame sa darating na eleksyon.
“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” ani Duterte sa isang video message.
Ayon kay Duterte, nagdadalawang isip na tumakbo si Revillame.
Ngunit sabi ng Presidente na bukas ang slot para kay Revillame anumang oras.
“Kung ayaw mo na talaga eh ‘di puwede na tayong mag-usap ulit,” Duterte said.
Dagdag ng Pangulo, bilib siya sa appeal ni Revillame sa masa.
Si Duterte ang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan. (Daris Jose)
-
Pinas, kailangang maging handa para sa “worst” Covid-19 situation
KAILANGANG maging handa ng Pilipinas para sa “worst” COVID-19 situation, lalo pa’t mas maraming nakahahawang variants ng novel coronavirus ang nagkalat ngayon sa buong mundo. “The pandemic is getting “hotter and more dangerous” as COVID-19 variants could pose “a problem discovering new vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the […]
-
Malakanyang, hahayaan na umiral ang legal process sa mga kasong isinampa laban kay VP Sara
HAHAYAAN ng Malakanyang na umiral ang legal process kaugnay sa grave threats at inciting to sedition charges laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi makikialam ang Malakanyang sa nagpapatuloy na criminal investigation. “We are aware of that, but we are going to let the process […]
-
Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey
NANGUNA sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia. Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at pumangatlo naman si Villar (56.2%). […]