PDu30, pabor na buhayin ang death penalty matapos ang krimeng ginawa ni Nuezca
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
NAKASALALAY sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang muling pagbuhay sa death penalty.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t pabor si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa death penalty ay nakasalalay pa rin sa magiging desisyon ng Kongreso ang usaping ito.
“Ang pagpapasa po ng death penalty, ang pagbuhay .. iyan po ay sa simula’t mula ay prayoridad ng ating Presidente pero nakasalalay po ang mangyayari sa batas na ‘yan siyempre sa kamay ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan at ng ating Senado,” ayon kay Sec. Roque.
Bumuhos kasi sa social media ang panawagan ng mga netizens sa pamahalaan na buhayin na muli ang death penalty matapos ang ginawang pamamaril ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil diumano sa “boga” at right of way.
May ilan ding mga mambabatas ang nananawagan na buhayin ang death penalty.
“Malinaw po ang stand ng Presidente dyan, pabor po ang Presidente sa death penalty lalo na po sa wide-scaled drug trafficking pero nasa kamay na po iyan ng mga mambabatas,” ani Sec. Roque.
Samantala, ang leksyon naman ng mga pulis na maaaring makuha mula sa ginawa ni Nuezca ay maging ehemplo sa lahat at huwag hayaang maging dahilan para masira ang reputasyon at integridad ng Philippine National Police (PNP).
‘It takes only one.. one of you to destroy the reputation and integrity of the institution. Bagama’t sinasabi po natin ngayon sa lahat na nag-iisang bugok lang naman ‘yang pulis na ‘yan eh nakita ninyo naman ang epekto. Kaya nga po, importante na sa inyong mga buhay ay alalahanin ninyo po.. hindi lang kayo si Juan del Cruz .. kayo po ay kabahagi ng institusyon .. ng isang institusyon na pag nawala po ang tiwala ng taumbayan ang resulta po eh magkakagulo. So, kinakailangan po na mag-ingat sa ating mga pang-araw-araw na buhay. Maging ehemplo na at ipadala ang mensahe dito sa bayang ito dahil tayo po ay kumikilala sa rule of law, ang nagpapatupad ng batas ay siyang susunod sa batas,” litaniya ni Sec. Roque. (DARIS JOSE)
-
Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na
INIHAYAG ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”. Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba. Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces. Nauna nang […]
-
‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’
NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan. Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry. Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi […]
-
Napipintong paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, ‘done deal’ na ayon sa bali-balita
UM-ATTEND sa red carpet premiere ng pelikulang Cinderella sa Los Angeles ang Kapuso actress na si Lovi Poe. Ginanap sa Greek Theatre ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan ng singer na si Camila Cabello na produced ng Amazon Prime. “A dream is a wish your heart makes,” caption ni Lovi sa photo niya […]