• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.

 

“I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” ayon kay Sec.Roque.

 

“What the President has decided, then that’s the policy. This is without prejudice to IATF appealing possibly noh? Alam ninyo kasi ang posisyon naman ng DoH, eh may mga pagkakataon naman talaga dapat eh isuot pa talaga ang face shield, noh? At ito po iyong lalong-lalo na iyong kapag nasa indoors na maraming tao,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Ang posibleng magiging hakbang ng IATF sa usaping ito ay umapela sa sinabi ng Pangulo.
Nauna na itong inihayag ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang Twitter post.
Tinawagang pansin pa ni Sotto ang Department of Health (DOH) sa kanyang naturang post.
Sa kabilang dako, hindi pa kinukumpirma ng Malakanyang ang naturang pahayag ni Sotto.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pag-uusapan nila ang bagay na ito mamaya sa pulong ng IATF at sakaling magkaroon ng bagong panuntunan ay agad nila itong ilalabas.
Una rito, may mga grupo at indibidwal nang nagsusulong na payagan na ang hindi pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.

 

Samantala, para naman kay UP-OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye hindi pa napapanahon para magluwag at magpakakumpiyansa kapag lumuwag na ang health protocols sa bansa.

 

Pahayag ito ni Rye matapos na sang-ayunan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na i-require ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar maliban sa mga ospital.

 

Sabi ni Rye, bago magluwag dapat na ikonsidera ng pamahalaan na may mga variants pa ng COVID-19 ang kumakalat sa mundo.

 

Bukod dito, masyadong atrasado ang pagbabakuna sa bansa kaya hindi pa dapat pinag-uusapan ang pagluluwag sa mga health protocols.

 

Giit pa ni Rye, dapat na kumonsulta muna sa mga health experts at sumunod sa rekomendasyon ng mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • 5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya

    PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week.     Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga […]

  • Malaki ang pasasalamat nila kay Direk Njel… MAYTON at JEAN, bibida na rin sa ‘Hongkong Kailangan Mo Ako’

    WALANG tigil ang NDMstudios sa paggawa ng mga “de calibre” na international films!      At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton Eugenio at Jean Kiley sa isang full-length buddy-girl comedy film na, Hongkong Kailangan Mo Ako sa direksyon ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios.     Matagal nang gumaganap sa iba’t […]

  • Magkapatid tinuhog ng sariling ama

    “WALANG makikinabang sa inyo kung hindi ako lang”   Ito umano ang sinasabi ng 54-anyos na tricycle driver habang ginugulpi ang 20-anyos na dalagang anak makaraang tumanggi na ang biktima sa umano’y paulit-ulit na ginagawang panghahalay sa kanya ng sariling ama sa Malabon City.   Dahil dito, napilitan nang ipagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Lucy” ang panghahalay ng […]