• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams

PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations.

 

 

Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang noong Abril 21.

 

 

“The gesture was gladly received by the new bar passers,” ayon kay Lucrecia.

 

 

Ang mga PSG members na matagumpay na nakapasa sa Bar examinations ay sina Captain Joan Napay, kasalukuyang nakatalaga sa PSG Station Hospital; Lt. April Bayabao mula sa Office of the Assistant Chief of Staff for Logistics at PSSg. Byron Angelo Bacud mula sa Presidential Police Security Force Unit.

 

 

Ani Lucrecia, ipinresenta ni PSG commander Brig. Gen. Randolph Cabangbang kay Pangulong Duterte ang mga PSG members na pumasa sa bar exams.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Napay na ibinahagi sa kanila ni Pangulong Duterte ang kanyang personal na karanasan bilang abogado at isang prosecutor nang siya ay nananatili pang nasa practice.

 

 

Samantala, inirekomenda naman ni Pangulong Duterte ang pagbabasa ng maraming libro ukol sa trial techniques at hinikayat ang mga bagong abogado na mag-engage sa practice maging sa Armed Forces of the Philippines o pribadong sektor.

 

 

Sinabi ni Napay na magsisilbi siya sa AFP.

 

 

May kabuuang 8,241 examinees mula sa 11,402 takers ang pumasa sa 2020/2021 Bar Examinations para sa 72.28% passing rate, ayon sa Korte Suprema. (Daris Jose)

Other News
  • “Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension

    Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan.     Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp.     “I’m happy to announce that soon, we can […]

  • Ban sa nursing programs, maaaring ‘selectively lifted’- CHED

    TARGET ng  Commission on Higher Education (CHED) na ikasa ang “strategic and selective lifting” ng  moratorium para sa bagong nursing programs.     Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na gumagawa na ng bagong poliisya ang  Technical Panel on Nursing ng CHED na ipalalabas sa lalong madaling panahon.     “CHED is […]

  • PNPA, extended ang lockdown

    Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.   Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.   Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan […]