• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinakilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para suportahan ang Bayanihan Bakunahan” program

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pinangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.

 

Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Filipino sa 16 na rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.

 

Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

“The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Kaya nga, hinikayat ng pamahalaan ang mga hindi pa bakunadong mamamayang filipino na magpartisipa sa “Bayanihan Bakunahan” project upang mabigyan ng mga ito ang kanilang mga sarili at pamilya ng proteksyon at kapayapaan ng isipan dahil sa bakunag ituturok sa kanila.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng nag-organisa ng mga tauhan at resources para pakilusin sa pagbabakuna sa mga mamamayang filipino.

 

Pinasalamatan din ni Nograles ang mga frontliners na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-ambag sa tagumpay ng nasabing inisyatiba.

 

“Together, we can get the jabs done; together, we can beat COVID,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • Kung exciting ang labanan sa pagka-Best Actor: CHARO, makikipagtunggali sa mga first timers sa Best Actress ng ‘Gawad Urian’

    IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian.   Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan.   For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang […]

  • Yulo wala pa ring foreign coach

    SA NGAYON mananatiling local coach ang hahawak sa training ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo para paghandaan ang kanyang mga susunod na laban.     Ito ang kinumpirma ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion kung saan si coach Aldrin Castaneda pa rin ang tututok sa pagsasanay ni Yulo.   […]

  • Justin Brownlee, ganap ng Filipino Citizen

    Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batas na nagbibigay ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa American basketball player na si Justin Brownlee, sinabi ni Senador Francis Tolentino noong Huwebes.   “Oo. I am so glad that President BBM sign Republic Act 11937,” ayon  kay Tolentino, isa sa principal authors ng batas, nang […]