• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa development projects sa Dumaguete Airport

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects na pinasinayaan ngayon ay kinabibilangan ng “expansion of the existing passenger terminal and administrative buildings, asphalt overlay of the railways as well as shoulder grade correction, and construction of additional taxiways to allow the airport to accommodate heavier aircraft and increase its passenger volume capacity.”

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo ang Department of Transprotation, Civil Aviation Authority of the Philippines at ang lahat ng naging kaagapay ng pamahalaan na nagbigay ng kontribusyon upang makumpleto ng proyekto sa kabila ng biglaang lockdown dahil sa pandemic.

 

“I hope this project would inspire us further to provide better services and opportunities for our people and harness the potential of trade and tourism as the catalyst for economic recovery particularly in the provinces,” ayon sa Pangulo.

 

Tiniyak naman ng Chief Executive sa publiko na mananatiling committed ang pamahalaan para tapusin ang lahat ng infrastructure projects sa tamang oras kung maaari sa ilalim ng kanyang pamumuno na may “least inconvenience” sa publiko at mahigpit na pagsunod sa katapatan at integridad.

 

“Corruption has no place here,” diing pahayag ng Pangulo.

 

At habang ginagawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para buhayin ang eonomiya ng bansa at bigyan ng magandang oportunidad ang mamamayan para makabangon at magkaroon ng maayos na pamumuhay ay umapela ang Punong Ehekutibo sa lahat na patuloy na i-obserba ang itinakdang health at safety protocols maging sa loob ng tahanan o sa pampublikong lugar lalo na sa transportasyon.

 

“It is only when everyone’s cooperation. that a nation can effectively contain the spread of Covid-19 and triumph against pandemic,” ang pahayag ng Pangulo.

 

“In solidarity, let us take further strides towards a better, more dynamic and prosperous nation for everybody,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 sa kanyang final SONA

    SINABI ng Malakanyang na walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).   “Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong politikal,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque said.   “Ang importante is the roadmap for his last […]

  • Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis […]

  • Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan

    NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).     Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at […]