• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinasalamatan si President Putin para sa 15k doses ng SputnikV

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa delivery o paghahatid ng inisyal na 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines sa Pilipinas.

 

“With the added shipments arriving from Russia, let me thank the Russian people, the government and President Putin for their kind-hearted support for the Filipinos,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccines na nakuha ng gobyerno ay dumating sa bansa noong Mayo 1.

 

Sinaksihan naman ng mga opisyal ng National Task Force (NTF) Against Covid-19, sa pangunguna ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang pagdating ng mga bakuna na gawa ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology.

 

Ayon kay Galvez, ang initial doses ng nasabing bakuna ay nakatakda sanang dumating noong Abril 28 subalit naantala dahil sa “logistical challenges.”

 

Ang Sputnik V ay nangangailangan ng storage temperature na “minus 18 degrees Celsius at below (frozen solution).”

 

Sinabi naman ni Deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon na limang local government units sa Metro Manila gaya ng Maynila, Taguig, Makati, Paranaque, at Muntinlupa ay makatatanggap ng inisyal na 3,000 doses ng bakuna simula sa araw ng Martes.

 

Aniya, ang pilot rollout ay kailangan para ma-assess at review ang ibang logistical requirements.

 

Sinabi ni Galvez, na ang Piilipinas ay nakapag-secure ng kabuuang 10 milyong doses mula sa Gamaleya subalit ang nasabing bilang ay maaaring dumobe.

 

Sa pagdating ng Sputnik V, ang bansa ngayon ay mayroong tatlong brands ng Covid-19 vaccines sa imbentaryo nito gaya ng CoronaVac mula sa China’s Sinovac Biotech, at AstraZeneca mula sa British-Swedish manufacturing company ng kahalintulad na pangalan.

 

Ang Sputnik V ay nakapag-secured na ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng PIlipinas. (Daris Jose)

Other News
  • 8 DAYUHANG KUMPANYA, INTERESADO MAMUHUNAN NG BAKUNA

    INTERESADO ang walong dayuhang kumpanya na  makapagtayo ng pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas.     Sinabi ni DOST Usec Rowena Guevarra sa isang press briefing na ito ay mula sa anim na nauna nang nagpaabot ng interes.     Ang nasabing mga kumpanya ay hindi natukoy ni Guevarra ngunit ang isa ay galing […]

  • Batang babae, binugbog ng ina ng kalaro, kritikal

    KAAWA-AWA ang sinapit ng pitong taon gulang na batang babae matapos umanong pagbubugbugin ng husto ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City. Nasa kritikal pa rin na kalagayan matapos isailalim sa maselang operasyon ang biktimang si alyas “Jenny” sa Camarin Doctor’s Hospital, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ayon […]

  • ‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol

    UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto.     Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.     Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong […]