• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, pinayagan sina Duque at Galvez na dumalo sa senate probe hinggil sa umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies

PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipagpatuloy lang na dumalo sa Senate probe hinggil sa di umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies.

 

“Kung tawagin niyo, paulit-ulit na naman, sabagay naumpisahan na kasi, Secretary Duque, I will allow him to go and complete his story,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes.

 

Gayundin ang ibinigay na utos ni Pangulong Duterte kay Galvez.

 

“Let us allow Gordon show his stupidity. Pabalikin ko sila. Just tell them the plain truth,” anito na ang tinutukoy ay si Senador Richard Gordon na siyang nangunguna sa Senate investigation.

 

Sa ulat, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na kailangan muna nilang kumuha ng clearance mula sa kanya bago dumalo sa Senate investigation kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced pandemic-related supplies.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya kinukuwestion ang otoridad at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” pero maraming mga iniimbitahang resource persons mula sa Ehekutibo ang inaabot ng ilang oras sa pagdinig at hindi rin nabibigyan ng pagkakataon para ihayag ang kanilang testimonya.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, kung sa tingin nito ay wala namang silbi ang pagdalo ng kanyang Cabinet officials sa Senate hearing maliban sa ipahiya at bastusin ng mga senador sa harap ng publiko, pagbabawalan na silang dumalo sa padinig.

 

Pwede naman daw ipa-contempt ng mga senador ang hindi sisipot sa kanilang pagdinig pero mayroon daw siyang otoridad sa mga Cabinet officials bilang pinuno ng Executive Department.

Other News
  • PNP todo-bantay sa mga pasaway sa ECQ

    Todo higpit ang isasa­gawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga pasaway na indibidual na lalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na epektibong ipatutupad sa darating na Agosto 6-20 sa buong Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 Delta variant.     Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nakasaad sa Omnibus Guidelines na […]

  • Ads August 20, 2021

  • P125 million confidential funds ni VP Sara Duterte, tinuligsa ng mambabatas

    TINULIGSA ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang idinepensang P125 million confidential funds na nakalaan sa opisina ni Vice President Sara Duterte.     Ayon sa mambabatas, ang kontrobersiyal na kaso ay hindi lamang “theoretical” kundi naging sanhi para hindi mailaan ang naturang milyong pisong pondo sa mga Pilipino […]