• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinayuhan ang publiko ng tamang pagtatapon ng medical wastes

PiNAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na itapon nang tama at kung paano dapat itinatapon ang medical wastes. 

 

“You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

Nakarating kasi sa kanya ang ulat na may mga nakuhang gamit na face masks ang ilang divers sa Bauan, Batangas.

 

Ito ang dahilan aniya kung bakit labis siyang nalungkot at nadismaya dahil sa maling pagtatapon ng medical wastes.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang paggunita ng buong mundo ng “World Environment Day” noong June 5 kung saan isinulong ang commitment ng bansa sa pag-aalaga sa kapaligiran.

 

“Sadly, however, the COVID-19 crisis has also given a rise to plastic waste and pandemic. The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste such as the delivery of packaging of both food and non-food products. Also, a serious concern is the proper disposal of medical waste. There have been several reports of poor disposal,” anito.

 

Aniya pa, noong mayor pa siya ng Davao City, may nakapagsabi sa kaniya na inililbing umano sa buhangin ang ilang medical wastes ng mga gamot.

 

“Mali ito,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • 32 siyudad at bayan, isinailalim sa State of Calamity dahil kay bagyong Karding

    KASALUKUYANG nasa  32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim  ngayon ng state of calamity.     Ito ang inihayag  ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.     Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817  […]

  • MANILENYO ANG MAGBABAYAD SA IIWANANG P15-B UTANG NG GOBYERNO NI MAYOR ISKO

    MAMAMAYAN ng Maynila ang pahihirapan ng napakalaking utang — tinataya sa mahigit na P15-bilyon na iiwanan ni Manila Mayor Isko Moreno na mali ang prioridad na ginastusan.     “… magbabayad niyan ang taumbayan sa pamamagitan ng babayaran nila na mataas na taxes,  mataas na (bayad) sa permit, mataas na licenses, at marami pang penalties […]

  • Na-diagnose ang anak na may Autism Spectrum Disorder: AUBREY, sinisisi ang sarili sa naging sakit ng anak nila ni TROY na si ROCKET

    SINISISI ni Aubrey Miles ang kanyang sarili dahil sa naging sakit ng bunsong anak nila ni Troy Montero na si Rocket.     Na-diagnose si Rocket na may Autism Spectrum Disorder or ASD.     Kuwento ni Aubrey na noong isang taon daw niya napansin na may kakaiba raw kay Rocket. Hindi raw ito tulad […]