• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs.

 

Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng Pangulo ang Washington.

 

“Ang bait ng Amerika. Baka pupunta ako doon. Just to thank the American government and its people,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi.

 

Matatandang, inanunsiyo ng US na magbibigay ito ng karagdagang $11.3 milyong na halaga ng COVID-19 assistance sa Pilipinas.

 

Ang pahayag ay inilabas ng National Security Council ng Estados Unidos matapos ang pakikipag-pulong ni US National Security Advisor Jake Sullivan kina Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin. Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Washington D.C.

 

Nagharap ang mga opisyal bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty.

 

Sinabi ng US na umaabot na $37 million ang naipagkaloob na tulong nito sa Pilipinas mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Ito ay maliban pa sa anim na milyong doses ng US-made vaccines na donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX facility

 

Samantala, pinuri ni Sullivan ang Pilipinas sa pagtanggap ng Afghan refugees.

 

Tinalakay din sa pagpupulong ng mga opisyal ang nagpapatuloy na kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa terorismo at pagrespeto sa karapatang pantao.

 

Nakaharap din ni Locsin sa pagpunta niya sa US si Secretary of State Antony Blinken.

 

Pinag-usapan ng dalawa ang pagpapalakas pa sa alyansa at pagtutulungan ng Amerika at Pilipinas, ekonomiya at karapatang pantao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN

    PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.     Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila […]

  • Galatians 6:10

    Do good to all.

  • Indonesia, pumayag na ilipat si Mary Jane Veloso sa Pinas-PBBM

    PUMAYAG ang Indonesian government sa naging kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan.   “Mary Jane Veloso is coming home,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas.   Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto […]