• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine

SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

 

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19.

 

“Check out the vaccinations being done daily at baka magsali ka na doon sa second shot. Tama na yang dalawang doses. Huwag ninyo sobrahan, delikado,” ayon sa Pangulo.

 

Aniya, ang pagkuha ng third at fourth shots ng bakuna ay isang pang-aagaw sa iba na hindi pa nababakunahan.

 

“When you do that multiple… you deprive your countrymen the orders sa isang bakuna na naibigay sa kapwa mong tao,” ani Pangulong Duterte.

 

“Ganoon yan e, kapag masyado kayo may iba second, third, fourth, di naman kailangan and it does not add full protection to your body,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Not all COVID-19 vaccines require two shots. Single-jab vaccines include Sputnik Light by Gamaleya and the shot made by Johnson & Johnson subsidiary Janssen Pharmaceuticals.”

 

Sa kabilang dako, inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 simula ngayong Oktubre.

 

Inaprubahan din ng Chief Executive ang pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.

 

Hinikayat naman ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga magulang na ipalista na ang kanilang mga anak para sa pagbabakuna.

 

Samantala, sinabi naman ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo na sa lalong madaling panahon ay magde-desisyon ang Department of Health kung irerekumenda na ang COVID-19 booster shots para sa mga fully vaccinated na tao.

 

“I think they are still discussing it. The DOH said they will decide soon,” ani Domingo.

 

Maaari aniyang magpalabas ang DOH ng posisyon nito ngayong linggo.

 

Sinabi naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isinasapinal pa ang rekumendasyon ng lahat ng Experts’ Group for COVID-19 Vaccines at isusumite naman sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at sa vaccine cluster.

 

“So far, only the Vaccine Experts Panel has recommended the use of booster shots on health workers,” ayon kay Vergeire.

Other News
  • Muling pagbubukas ng ekonomiya, mahalaga – Malakanyang

    TINUKOY ng Malakanyang ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa matapos na makapagtala ang Pilipinas ng “worst” gross domestic product (GDP) contraction sa mahigit na 7 dekada.   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang economic reopening ay makatutulong na matugunan ang kagutuman.   “Nakikita natin na hindi pa po sapat ang […]

  • Netflix Release The Chilling Trailer and Poster for ’Fever Dream’

    NETFLIX has released the chilling trailer and poster for Fever Dream (Distancia de Rescate), the upcoming horror film inspired by the novel of the same name by Argentinian author Samanta Schweblin.      Fever Dream will debut in selected theaters on October 6 and on the streaming platform on October 13.     The trailer introduces us to Amanda, […]

  • “Godzilla x Kong: The New Empire” smashes its way to the top with a roaring $194-M global opening weekend

    THE Titans are on top of their game as Godzilla x Kong: The New Empire gathered a monstrous $194 million worldwide on its opening weekend. The epic monster mash sets the record for second-highest opening of the year, and stands as the third highest grossing movie of 2024 so far. A hit with fans, the […]