PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.
ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.
Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap ang pamahalaan sa apat na “potential” Covid-19 vaccine manufacturers.
“Para hindi tayo totally dependent sa pag-import ng vaccines. Of course, ngayon ho talagang nagde-depend tayo dahil wala tayong local manufacturing capabilities ,” ang sinabi ni Lopez kay Pangulong Duterte sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Taskforce for the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malakanyang.
Base sa naging presentasyon ni Lopez, ang United Laboratories at Glovax ay kabilang sa mga pharmaceutical companies na nagpahiwatig ng kanilang plano na gumawa ng Covid-19 vaccines sa bansa.
Ang potential vaccine manufacturers, ani Lopez ay humihiling ng “green lane on government permits” upang matiyak na mabilis na mapo-proseso ang lahat ng mga requirements at kakailanganing dokumento.
Aniya pa, ang pagbili ng pamahalaan ng locally-produced vaccines ay labis na nakapanghihikayat, “subject to standards, specs and prices.”
“They need our support. Kailangan i-commit din ni government na bibilhin natin iyan para self-reliant and self-sufficient tayo. So ‘yun po ang isang kahilingan dito,” ayon sa Kalihim.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi na welcome sa kanya ang posibleng paggawa o pagmamanupaktura ng Covid-19 vaccines sa bansa.
Aniya, ang posibilidad na magkaroon ng Covid-19 vaccines na gawa sa Pilipinas ay isang “answered prayer.”
“Parang dasal natin ito sa gobyerno kasi historically, the Philippines is one of the laggard, sabi nila because there’s a lot of paperwork at kung anu-ano ang hinihingi,” ang pahayag ng Pangulo.
At para suportahan ang local production ng mga bakuna ay ipinag-utos ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalan na madaliin ang pag-proseso ng mga requirements.
Naniniwala ang Punong Ehekutibo na aabot lamang ng “less than an hour” para magpalabas ng permits para sa mga kompanya na interesadong gumawa ng Covid-19 vaccines sa bansa.
“Ask everybody to cooperate. Itong government procurement of locally-produced [vaccines], subject to standards, specs and prices, madali lang naman ito kung trabahuhin mo ito . I don’t think it would take about one hour trabahuhin mo sa opisina . It’s a matter of preparation,” giit ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa
PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP. Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng […]
-
Pagtaas ng bilang ng botante, iimbestigahan
MAGSASAGAWA ng imbestigason ang Commission on Elections (Comelec) sa ulat na may mga lugar na may mataas na bilang ng mga botante . Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga lugar na may biglaang pagdami ng bilang ng mga botante ay sa Makati, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Batangas. […]
-
22-K bilanggo pinalaya – Año
Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]