• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, tatalakayin sa kanyang successor ang problema ukol sa illegal na droga sa bansa

MAGDARAOS ng isang pulong o miting si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte sa kanyang  successor para pag-usapan ang  drug menace na patuloy na malaganap sa bansa.

 

 

Sa kanyang  Talk to the People, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang  anti-narcotics drive dahil maraming  drug offenders ang nananatiling pagala-gala.

 

 

“I hope to… ‘Pag makausap ko pagkatapos ng elections and a new presidential shall have been elected, I said there is a time for us, me to bring, invite him dito. Ito siguro ang sasabihin ko sa kanya, patayin mo talaga itong mga drug offenders,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos na iulat ni Interior Secretary Eduardo Año na may kabuuang 1,775 kilo ng  shabu at 421.5 kilo ng  marijuana na nagkakahalaga ng P13.2 bilyong piso ang nasabat sa isinagawang   anti-drug operations mula Marso 6 hanggang 19.

 

 

Tinatayang mayroong 2,471 indibiduwal ang nasakote habang dalawa naman ang napatay  sa operasyon.

 

 

“Ito po ang pinakamalaking nahuli sa entire Philippine history in one time na pagkakasakote sa illegal drugs. At patuloy pa rin po nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa illegal drugs Mr. President sapagkat gusto po nating tuluy-tuloy ito upang siguruhing ligtas ang ating mga kababayan sa masamang dulot ng illegal na droga,” ayon kay Año.

 

 

Sinang-ayunan naman ni Pangulong Duterte si Año, at ipinag-utos ng una sa huli na ipagpatuloy lamang ang giyera laban sa ipinagbabawal na gamot.

 

 

“Let us go and look for them. Hunt them down. This [drug problem] will continue. Drugs will haunt us today, tomorrow and and it is far[from over,” dagdag na pahayag nito

 

 

Muling inulit naman ng Pangulo Duterte na nananatiling banta sa  public safety ang problema sa droga.

 

 

Maipagpapatuloy lamang nito ang makalikha ng  “multiple problems” lalo pa’t nagiging “praning” ang mga gumagamit ng illegal na droga.

 

 

“Ang problema nito, it induces insanity sa mga tao. Ito, papatay na naman. Kapag walang pera, mag-hold up, lahat na. Multiple ang problema dito,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan

    SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta.     Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers.     Pero […]

  • DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR

    UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw.     Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing. […]

  • Ads March 2, 2024