Pdu30, tinintahan ang isang EO na lilikha sa National Amnesty Commission
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang executive order na lilikha sa National Amnesty Commission (NAC).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang komisyon ay kinabibilangan ng pitong miyembro kabilang na ang chairperson at dalawang regular members na itatalaga ni Pangulong Duterte.
Ang mga pinuno ng Department of Justice, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, at Office of Presidential Peace Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPPAPRU) ay magiging ex-officio members ng komisyon.
Sinabi ni Sec. Roque na ang OPPAPRU ang magiging secretariat ng komisyon.
Ang pangunahing gawain ng NAC ay ang mag-proseso ng aplikasyon para sa amnesty at idetermina kung sino ang eligible “in connection with the recent amnesty proclamations pending concurrence of Congress.”
“Naipadala na sa Kongreso ang mga amnesty proclamation para sa kanilang concurrence o pag sang-ayon,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang amnesty po parang hindi nangyari ang mga bagay bagay na nagawa ng mga ilang grupo na usually isang krimen na magiging krimen ng rebellion kaya kinakailangan din ng concurrence sa Kongreso nito dahil binubura hindi lang yung nangyari, kundi pati ang parusa,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ang Malakanyang ng kopya ng EO sa mga miyembro ng media. (Daris Jose)
-
Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame
Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony. Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma […]
-
FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT
NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao. Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang. Base […]
-
Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ
Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20. Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin […]