• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, umaasa na magpapakita ng ligtas at epektibo ang Ivermectin

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang local clinical trials ng Ivermectin ay magpapakita na ito’y ligtas at epektibo ‘for human use’ laban sa Covid-19.

 

Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siya na mayroon dapat na katotohanan sa pagiging epektibo ng Ivermectin dahil may ilang doktor ang handang itaya ang kanilang integridad para lamang magamit ang Ivermectin sa kanilang mga pasyente.

 

“Maraming doktor bumilib diyan e. Kaya baka , if there are doctors willing to put out their neck on the chopping board, ipusta nila ang integrity nila , so there has to be some truth in it. Or at least ang medisina or whatever it is, has an effect in fighting Covid or building the antibodies in your system,” ayon sa Pangulo.

 

Kapag naipakita na ang clinical trials sa anti-parasitic drug ay ligtas at epektibo, sinabi ng Pangulo na ang Ivermectin ay maaari para sa “palliative care” na nakatuon sa pagbibigay ng kaginhawaan sa pasyente na nakararamdam ng sakit at iba pang sintomas ng seryosong karamdaman.

 

“Maski ano nalang, palliative na hindi ka mahawa kaagad . There has to be an effect in that thing there that is being introduced into your body,” ayon kay Pangulon Duterte.

 

Aniya pa, naghihintay siya ng clinical trials na magpapakita ng gumagana ang gamot sa Covid-19 patients sa bansa.

 

“Kung maglabas ‘yan , that’s what I’m hoping, it will turn out that way we can use it. So that, ako ang unang mag-ano. Because inumin mo para ano ka , at least yung  preventive,” aniya pa rin.

 

Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na bibigyan ng timbang ng mga eksperto ang ang malakas na paniniwala ng ilang doktor na ang Ivermectin ay makagagamot ng pasyenteng may covid 19.

 

“I hope they would also place a little bit of an importance to those doctors who really I said who went out to proclaim the efficacy of itong si  Ivermectin,” ani Pangulong Duterte.

 

Nauna rito,ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), at FDA na magsagawa ng local trials para sa paggamit ng Ivermectin.

 

Sinabi naman ni Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) executive director Jaime Montoya na itutuloy ng DOST ang clinical trials ng Ivermectin ‘for human use’ laban sa Covid-19.

 

Ayon naman kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, inaasahan niya na ang local clinical trials ay makukumpleto sa loob ng anim hanggang walong buwan habang ang international clinical trials ay maaaring makumpleto sa susuod na isa hanggag dalawang buwan.

 

Makaubuti ani Domingo na hintayin ang “clearer evidence” na ang antiparasitic drug ay mapakikinabangan ng Covid-19 patients.

 

“Ang sinasabi lang naman po ng mga espesyalista natin , is that we wait for the evidence…There’s a possibility po that it is useful but there’s also that possibility na  it’s the same as not taking it. Kailangan lang po hintayin natin ang clearer evidence ng effect,” anito.

 

Sa ngayon, pinagkalooban ng FDA ang dalawang ospital ng special permit para gamitin ang Ivermectin para sa Covid-19 patients nito.

 

Mayroon nga lamang “pressure” para aprubahan ito.

 

Samantala, nahati naman ang medical community sa kung ang Ivermectin ay kailangan na ibigay sa Covid-19 patients o hindi, subalit pinaalalahan ang publiko na “there is a lack of data and evidence on its efficacy against Covid-19.” (Daris Jose)