• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty

WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na “pastillas” scheme na di umano’y pinayagan ang Chinese citizens sa bansa kapalit ng pera.

 

Subalit, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang personnel na sinibak ng Pangulo ay hindi naman naalis sa puwesto dahil kaagad namang nakabalik sa kanilang duty.

 

“Siguro po, obvious ang sagot, hindi po siguro alam ni Presidente, hindi pa sila nasisisante. Ang alam lang niya, nasuspende,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero siguro po, ang epekto ng kaniyang mga binitawang salita, iyan po ay mandato sa DOJ, sa CID, gawin ninyo ang lahat para masisante iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi po katanggap-tanggap iyong ginawa nilang pastillas scheme; kinakailangan po talaga sibakin sila,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ilalim ng “pastillas” scheme, papasok ang mga tsinoy sa Pilipinas bilang turista at sa kalaunan ay magta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs, babayaran ang immigration personnel at ang Chinese at Filipino travel agencies na P10,000 na grease money, na nakabalot sa papel at naka-rolyo na para “pastillas” delicacy.

 

“I have ‘yung ‘pastillas’ [scam] sa ano, sa airport. There were 43 personnel involved. I fired them all. Talagang pinaalis ko sa gobyerno,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang tatlong oras na panghuling SONA. (Daris Jose)

Other News
  • 14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS

    PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila.   Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station  ang suspek na 13 anyos na […]

  • Pagbuhay sa parusang bitay, pinarerebyu

    NANAWAGAN si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagrebyu sa muling pagbuhay sa parusang bitay para sa heinous crimes.     Kabilang na rin ang iba pang panukala para sa pagbuwag ng mga sindikato , pagpapanagot sa corrupt officials at peace and order sa bansa.     Ang panawagan ay ginawa ng overall […]

  • 4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y […]