Pdu30, walang paki sa Pharmally
- Published on September 16, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon.
Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang at Pharmally Pharmaceuticals Corp., na nakasungkit ng P8.6 bilyong pisong kontrata kabilang na ang iba pang mga may kinalaman sa suplay ng sinasabing overpriced anti-COVID masks at face shields noong nakaraang taon.
Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes ay sinabi ng Chief Executive na ang pandemic deals ng pamahalaan ay ginawa alinsunod sa itinatadhana ng batas at maging ng pagpe-presyo.
“Para sa akin, tapos na kami. Iyang Pharmally ninyo, pati droga, bahala kayo, wala akong pakialam n’yang Pharmally… You can crumple Pharmally, wala kaming pakialam d’yan,” ani Panglong Duterte.
“Ang pakialam namin, nag-order kami, dumating, tama ‘yong order, ta’s ang presyo negotiated,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, kumbinsido naman ang Pangulo na habambuhay na mawawala ang kredibilid ni Gordon dahil sa pakikinig sa sinibak na si policeman Eduardo Acierto, na nag-ugnay kay Yang sa narcotics trade.
“Gordon is in cahoots with criminals and ‘yong fabricated stories,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“I would just like also to remind Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this republic,” aniya pa rin.
Samantala, giit ng Pangulo, kailangan na kumuha muna ng clearance mula sa kanya ang mga opisyal ng pamahalaan bago dumalo sa Senate probe. (Daris Jose)
-
Pangako ni ex-PRRD sa PNP puro daldal at drawing – House leaders
HINDI natupad ang naging pangako ni dating Pangulo Rodrigpo Duterte sa PNP na nagkasa ng kanyang madugong war on drugs na bigyan ng sapat na proteksiyon at suporta. Ito’y matapos sabihin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang pruweba na naisakatuparan ng dating pangulo ang kaniyang pangako. Ayon kina […]
-
SHARON, looking forward to growing old with Sen. KIKO, pero ayaw niyang magmukhang matanda
BIRTHDAY ni Senator Kiko Pangilinan yesterday at gusto naming i-share sa inyo ang IG greeting ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang loving husband. “Happy, happy birthday to one of best fathers in the world, my Sutart, playmate, “neybor,” friend, no. 1 fan and supporter, partner, no.1 fan also of my cooking, my faithful, loving, […]
-
PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore
NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore. Ang Singapore kasi ang itinuturing na “largest source of foreign investments” sa bansa. Sa isang roundtable discussion kasama ang mga Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para […]