Pedicab driver, 1 pa tiklo sa P272K shabu sa Valenzuela
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Bagsak sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Christopher Sta. Maria, 44, pedicab driver at Jeffrey Adam Daluz, 35 ng 18A Santiago St. Parada.
Sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9 ng gabi nang masagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team sa pangunguna ni SDEU chief PLT Robin Santos sa bahay ni Sta. Maria sa 11E Reyes Compd. Brgy. Karuhatan.
Kaagad sinunggaban nina PCpl Randy Canton at PCpl Franciz Cuaresma ang mga suspek matapos bentahan ng P4,000 halaga ng shabu si PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na buyer.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1pc P1,000 at 3 pcs 1,000 boodle money, P2,300 recovered money, 2 cellphones at isang motorsiklo.
Pinuri naman ni NPD Director Bondoc ang Valenzuela Police SDEU team sa pamumuno ni PLT Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Hotshots tinuhog ang quarterfinals
KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si […]
-
Dedma na sa gustong mang-intriga sa kanilang pagsasama: MARIAN, ipinagtapat na si DINGDONG talaga ang pinakasagot sa mga dasal niya
SA YouTube vlog ni Celeste Tuviera, ipinagtapat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ang asawang si Dingdong Dantes, ang talagang sagot ng Diyos sa kanyang mga dasal. “Isa ito sa ipinagdasal ko kay Lord, sabi ko, ‘Lord gusto kong magkaroon ng asawa, isang responsible, na bibigyan ako ng anak at simpleng buhay,” pahayag ni Marian. “Basta masaya […]
-
P2.8B, ipinalabas ng DBM para sa pagkuha ng firetrucks, emergency vehicle ng BFP
IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P2.880 billion para sa Bureau of Fire Protection (BFP) para pambili ng 300 firetrucks at emergency vehicles na naaayon sa nagpapatuloy sa ‘modernization efforts’ nito. Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpopondo noong Mayo 10, […]