• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pedicab driver pinagsasaksak ng kainuman, malubha

NASA malubhang kalagayan ang isang pedicab driver matapos pagsasaksakin ng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mgga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si John Rey Ibañez, 50 ng R10 tulay ilalim, Pescador, Brgy., Bangkulasi.

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Wilfredo Diola, 54, fish lagum boy at nakatira din sa naturang lugar.

 

 

Sa ulat ni PSSg Provido Joseph kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa R10 tulay ilalim nang mauwi ang mga ito sa pagtatalo hinggil sa pagpapalaki sa isang apo ng biktima.

 

 

Sa kainitan ng pagtatalo, naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak sa katawan ang biktima.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ng kanyang live-in partner ang biktima sa naturang pagamutan habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga barangay tanod at mga pulis subalit, hindi na narekober ang ginamit na patalim. (Richard Mesa)

Other News
  • Josh Hutcherson Tackles Darkness and Animatronic Terror in “Five Nights at Freddy’s”

    Josh Hutcherson tackles darkness and animatronic terror in “Five Nights at Freddy’s.” Dive deep into the suspense, with a touch of Jim Henson magic, hitting cinemas November 1. FROM the global box-office hit “Hunger Games,” Josh Hutcherson stars in Five Nights at Freddy’s, a thrilling survival movie as he takes on the role of Mike, an […]

  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]

  • 3 pumping stations, school covered court pinasinayaan sa Navotas

    SA layunin ng Navotas na palakasin pa ang kanilang panlaban sa baha at community facilities, pinabasbasan at pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang tatlong bagong pumping stations at school covered court. Ang Navotas ay mayroon na ngayon kabuuang 87 estratehikong lokasyon na mga pumping station sa buong lungsod […]