• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez, Adams aangas sa Dyip

MAPUWERSA ang bagong kumbinasyon ng Terrafirma Dyip sa katauhan nina Christian Jaymar (CJ) Perez at Roosevelt Adams.

 

Kapwa top picks ng behikulo ang dalawa. Si Perez sa 34 th Phil- ippine Basketball Association Rookie Draft 2018 at si Adams ay sa 35 th PBA RD 2019.

 

Dalawang ‘halimaw’ sila ng Terrafirma na dapat katakutan ng mga karibal sa 45 th PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga na nagbukas nitong Linggo, Oktubre 11.

 

Kasama ng dalawang kampeon sa National Collegiate Athletic Asso- ciation o NCAA vuhat sa Colegio de San de Letran sina Christian Balagasay at Bonbon Batiller, na magpapaharurot sa nagbagong-bihis na Dyip.

 

“We are a very dangerous team,” paalala ng 22-anyos, 6-5 ang taas at tubong Arizona, USA na si dams. “So watch out for us.”

 

Nagpasikot-sikot ang Filipino-American cager sa mga koponan ng Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL teams saka nagpa- draft sa propesyonal na liga.

 

Magkatulad ng takbo at matapang na umaatake sa sina Adams at Perez na ikasasakit ng ulo ng mga kalaban.

 

Misyon ni Perez sa mahigit dalawang buwang liga ang naumpisahan sa nakaraang season nang gawaran siya ng Rookie of the Year.

 

“Dalangin ko lang na hindi ako mawala sa kondisyon,” namutawi naman sa dating NCAA Most Valuable Player buhat sa Lyceum of the Philippines University. “Kaunting adjustment pa saka gigil. Sana mapatunayan ko na worthy ako du’n sa ROY award.”

 

Nakatakdang makilatis ang dalawang angas ni ni coach Johnedel Cardel ang bagong langis na Dyip kontra Talk ‘N Text Martes (Oktubre 13) ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena ang Cultural Center.

 

Sige nga mapanood ang kumbinasyong Perez at Adams. (REC)

Other News
  • Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

    Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.     Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago […]

  • Vaccination program, tuloy -Sec. Roque

    TULOY pa rin ang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan kahit pa inilagay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “subject to heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) mula Hulyo 30, 2021 hanggang Agosto 5, 2021 at simula naman sa Agosto 6, 2021, ang klasipikasyon ng NCR ay itataas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) […]

  • Balik sa pagsasayaw sa Tiktok at Instagram: GARDO, mabilis ang recovery mula sa kanyang operasyon

    MARAMING netizens ang natuwa sa mabilis na recovery ni Gardo Versoza mula sa kanyang operasyon after niyang maka-experience ng heart attack noong nakaraang buwan.     Sa kanyang Tiktok at Instagram, balik sa pagsasayaw si Gardo at game dun ang mga doktor at staff ng ospital na sumabay sa dance moves ng aktor.     […]