Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.
Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.
Pinag-isa ng mga reporter na regular na kumukober ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagkilala sa top performers ng 2019 o 45th season at 2020 Philippine Cup sa Clark bubble dahil hindi naidaos ang okasyon sa nakaraang taon sanhi ng Coronavirus Disease 2019.
May average si Perez na 24.4 points sa all-Pinoy conference sa Pampanga habang nasa Terrafirma pa.
Nitong offseason o Pebrero 1 lang, lumipat na siya ng San Miguel Beer kapalit ng limang manlalaro.
Sa kanyang unang taon sa liga, Rookie of the Year ang dating kamador ng Lyceum of the Philippine University Pirates at kasama sa Mythical Team.
Hindi natakot si Black sa bubble, parang beterano kapag rumesponde sa tawag ng Meralco na tinulungan niya hanggang semifinals. Siay ang tatanggap ng Outstanding Rookie ng bubble.
Kasama ni Black sa All-Rookie squad sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel, Roosevelt Adams ng Dyip, Barkley Ebona ng Alaska Milk at Renzo Subido ng NorthPort.
Magkakaloob din ng Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fenders, Mr. Quality Minutes, at Game of the Bubble. (REC)
-
PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS
NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon. Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso. “Just this Saturday, during our situationer, […]
-
Maria Ressa nag-‘playing the victim card’- Sec. Roque
KAAGAD na nahalata ng Malakanyang ang pagiging ‘playing the victim card’ ni Rappler CEO and executive editor Maria Ressa nang banggitin nito ang non-renewal ng broadcast franchise of ABS-CBN matapos na maghain ng “not guilty” plea sa lokal na korte. “It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the […]
-
TWISTED THRILLER “DON’T BREATHE 2” OPENS IN PH CINEMAS NOV 17
FROM the minds behind blockbuster thrillers Don’t Breathe and Evil Dead comes what Indiewire describes as “a clever, twisted continuation that breathes new life into the horror sequel.” Columbia Pictures’ suspenseful tale Don’t Breathe 2 will finally be seen in its eye-popping terror when it opens exclusively in Philippine cinemas on November 17. [Watch the film’s restricted trailer at https://youtu.be/G-ZfiJZnbFY] […]