• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.

 

Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad na karangalang katawanin ang Gilas Pilipinas at Chooks-To-Go 3×3 squad.

 

Sa Enero 22 pa dapat ang pasok ng Gilas second batch sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa bubble training camp pa-30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 Qualifier third window sa Clark Freeport sa Pebrero 15-23, pero nauna na roon nang mas maaga ng isang lingo ang Terrafirma Dyip star.

 

Kabilang din si Perez sa 3×3 nina Moala Tautuaa, at rookie draft applicants  Alvin Pasaol at Joshua Munzon na kakasa sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament  2021 sa darating na Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

Nilakbay ni Perez, 27 ang Pangasinan pa-Laguna upang sumali sa training pool nitong Biyernes, Enero 15. Pagdating ng alas-3:00 nang hapon, agad nagpa-RT-PCR test bago pumasok sa makabagong pasilidad ng National University ng pamilyang Sy. (REC)

Other News
  • Ilang kaibigang medical workers ni Sec. Roque, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan na mabakunahan na ang lahat ng mga Filipino laban sa Covid-19.   Ito’y kasunod ng naibahaging balita ng isang kaibigan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa medical field at sumalang na sa vaccination program ng pamahalaan.   Aniya, nakatanggap siya ng text kamakailan mula kay Dra. Menguita Padilla na […]

  • DOCTOR STRANGE MAKES HIS RETURN TO THE BIG SCREEN

    IN Hollywood, stars Benedict Cumberbatch, Elizabeth Olsen, Benedict Wong, Xochitl Gomez, Rachel McAdams, Jett Klyne, Julian Hilliard, Sheila Atim, Adam Hugill and Charlie Norton joined director Sam Raimi, producer Kevin Feige, executive producers Louis D’Esposito, Victoria Alonso, Eric Carroll and Scott Derrickson, screenwriter Michael Waldron and composer Danny Elfman for a walk down the red […]

  • Picture nila, pinost pa sa page ng American singer: SHARON, tuwang-tuwa na na-meet ang childhood hero na si BARRY MANILOW

    TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta nakapanood siya ng concert ng kanyang idol ni Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater, at na-meet pa niya after ng concert.   Naisingit talaga ito ni Sharon habang may US-Canada tour ang ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion at nagtugma naman na wala […]