• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games

PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members.

 

 

Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid ng People’s BALITA Biyernes kay Commissioner Wilfrido Marcial bilang ayuda ng PBA sa PH squad na kakakampanya sa International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

 

“All out ang suporta natin sa mga sasali sa OQT. Sigurado na ‘yun, mag-a-allot tayo ng oras para makapag-ensayo ang 3×3 players,” giit ng opisyal ukol sa apat na basketbolista na sumungkit ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 gold medal.

 

 

Top two 3×3 players ng bansa sina Munzon at Pasaol base sa FIBA database kung saan ang Fil-Am slasher ay world No. 105, habang ang dating University of the East Red Warrior scorer ay 148th sa men  o open division.

 

 

Kahanay ang Pin oy dribblers sa OQT Pool C ng Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic. Kailangang mag-top two finish ito sa group stage para makausad sa playoffs.

 

 

Ang gold-silver-breoze medalists lang ang mga aabante sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang ng pandemya sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 kung saan binyagan ang 3×3 event . (REC)

Other News
  • Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan

    NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, […]

  • DTI, ipapanukala ang pagtanggal sa plastic dividers sa mga establisimyento

    NAKATAKDANG ipanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal sa mga plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante na kailangang sundin ng mga ito.     “Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga […]

  • Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia

    ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.     Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN).     Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR.     Ang Pilipinas ay napabuti […]