Petecio, Diaz major awardees ng SMC-PSA
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
BOXING world champion at Olympic silver medalist ang mangunguna sa gagawaran ng major awards sa susunod na buwan sa taunang SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sila ay sina Nesthy Petecio at Hidilyn Diaz na kabilang sa 12 personaheng major awardees mula sa pinakamatagal na media organization sa bansa sa gala night sa Marso 6 na mga itataguyod ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at Air Asia.
Ang dalawang babaeng atleta ay miyembro ng Team Philippines na kabilang sa Athlete of the Year award dahil sa matagumpay na pag-angkin sa 30th Southeast Asian Games 2019 overall title.
Nagwagi ang 27-anyos na si Petecio ng medalyang ginto sa featherweight sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia noong Oktubre, habang nakapagbuhat si Diaz, 29, ng silver medal sa 2016 Rio Olympics at sa nakaraang taong Asian Championships at tanso sa World Weightlifting Championships.
Ang unang qualifier ng bansa sa Tokyo Olympics sa pole vault na si Ernest John Obiena ang isa rin sa mga major awardee dahil sa pagwawagi sa qualifying meet sa Chiara, Italy bukod pa ginto sa Asian Athletics Championship at Summer Universiade.
Dalawang iba pang world boxing champion ang nasa honor roll list — reigning International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title holder Jerwin Ancajas at World Boxing Organization (WBO) bantamweight king Johnriel Casimero.
Major awardees din sa basketball ang bumubuo sa walang talo at sixth-time UAAP women’s champion National University, five-time PBA Philippine Cup winner San Miguel Beermen, at si five-time MVP June Mar Fajardo.
Kukumpleto sina golfers Juvic Pagunsan, Aidric Chan, at Princess Superal, pati na ang Horse of the Year na si Union Bell.
Kikilalanin din ang mga may special citation, magiging MILO Junior Athletes of the Year, ang regular na Tony Siddayao awardees, at ang Chooks-To-Go Fan Favorite Award.
-
Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS
HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS). Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. […]
-
Mga minero ng iligal na “escombro”, huli ng BENRO, Marilao Police at 4th Maneuver Platoon
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pinagsanib na pwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, siyam na iligal ng mga minero ang inaresto matapos silang maaktuhan na nagmimina ng mineral na ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao noong Miyerkules, October 12, […]
-
Ads September 20, 2023