PETISYON PARA PALAWIGIN ANG VOTERS REGISTRATION, IHAHAIN
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
MAGHAHAIN ng petisyon ang iba’t ibang grupo ngayong umaga sa tanggapan ng Commission on Elections(Comelec) upang hilingin na palawigin ang voter registration para sa May 2022 national at local election.
Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at iba pa.
Sa abiso ng Defend Jobs, hiling nila ang isang buwan na palugit para sa pagpapatala ng mga botante habang hanggang Enero ng susunod na taon ang hirit ng Akbayan Youth at iba pang grupo.
Ang petisyon ng nasabing mga grupo ay dahil na rin sa pangamba na maraming botante lalo ang mga ew registrants ang hindi makakaboto dahil sa umiiral pa rin na MECQ sa Metro Manila at ilan lugar kung saan suspendido pa ang voter registration.
Magsasagawa rin ng signature campaign ang grupo ng mga manggagawa para kumuha ng suporta sa kanilang petisyon . (GENE ADSUARA)
-
ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO
IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan. Magsisimula ang liquor […]
-
Pinay tennis star Alex Eala umangat pa ang ranking
UMANGAT pa ang world ranking ni Pinay tennis star Alex Eala. Sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay nasa pang 138 na ito mula sa dating 147. Ito na ang maituturing na maituturing na pinakamataas na ranking ng 19-anyos na si Eala. Noong nakaraang taon ay mayroong itong best career high na […]
-
PBBM, hangad ang mas maraming kasunduan sa Czech hinggil sa cybersecurity
HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming kasunduan sa Czech government pagdating sa cybersecurity at defense-industrial sector. Inihayag ng Pangulo ang mensahe niyang ito nang makipagpulong kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, Huwebes ng gabi, (Philippine time). “We continue to pursue and explore the areas that we spoke about before. We, of […]