• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pfizer at BioNTech pumayag na babakunahan ang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics

Nagsama ang Pfizer at German company na BioNTech SE na magdonate ng ilang doses ng kanilang COVID-19 vaccine para maturukan ang mg atleta kasama ang kanilang delegasyon na dadalo sa Tokyo Olympic at Paralympic Games.

 

 

Ayon sa kumpanya na darating sa mga delegasyon ang unang dose ng bakuna hanggang sa katapusan ng Mayo.

 

 

Tiniyak nila na matuturukan ang mga ito ng ikalawang dose ng bakuna ilang araw bago ang pagsisimula ng torneo.

 

 

Ang nasabing hakbang ay matapos na aprubahan ng International Olympic Committe (IOC) ang pagpapabakuna ng mga manlalaro at delegates.

 

 

Nakausap na rin ng IOC ang mga opisyal ng Japan at si Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla sa nasabing pagbibigay ng donasyon na mga bakuna.

 

 

Magugunitang nilimitahan ng Olympic organizers ang mga manonood ng laro dahil sa patuloy pa rin ang pagkakahawaan ng mga bagong variant ng COVID-19.

Other News
  • Sobrang naka-relate sa role sa ‘Sinagtala’: RHIAN, pinasok ang pag-aartista para makabili ng drum set

    IPINAGDIINAN ng direktor na si Mike Sandejas nasa 30% lang ng pelikula ‘Sinagtala’ ang musical at ang natitira ay iikot sa drama ng buhay ng mga musikero, na kapupulutan ng mga aral sa buhay. Pinagbibidahan ito nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at Arci Muñoz kasama sina Rayver Cruz at Matt Lozano. Sa media con […]

  • PNP Chief Carlos, ‘di kailangang mag-leave – DILG

    INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kailangan ni PNP Chief, PBGen. Dionardo Carlos na mag-leave o magbakasyon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng isang police helicopter sa Real, Quezon kamakailan.     Kasunod ito ng ulat na susunduin sana ng natu­rang helicopter si Carlos […]

  • 2 ‘tulak’ binitbit sa P92K droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P90,000 halaga ng shabu nang matiklo sa buy-bustoperation sa Caloocan City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘JR’ at […]