Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito.
Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas.
Sa kabila ng may mga pagkakaantala ay malinaw naman na hindi binago ng Pfizer ang delivery time nito.
Bukod dito, tinaasan pa ng Pfizer ang alok nito sa Pilipinas na 25 million doses at ginawang 40 million doses.
“Sa totoo lang po, isa po sa pinakamababa na presyo ang Pfizer. isa siya sa sumunod doon sa AstraZeneca. Ang gandang presyo niya sa atin. kumbaga sa .. ‘yong presyo na binigay sa atin hindi po nila itinaas,” ayon kay Galvez.
“Nakita po namin sa ngayon..ah.. sana, tuluy-tuloy na iyong magandang negosasyon dahil ang hinihingi lang po ay iyong tinatawag na indemnity clause at immunity clause. iyon lang po at nagkaroon na po tayo ng clarification from our DoJ at naibigay na po amin iyong 2 DoJ opinion at nakita natin na positive ang naging result na nagkaroon na po ng communication sa atin ang Covax na magde-deliver na po sila ng 2.3 million doses,” lahad ni Galvez.
Napaulat kasi na ang Pfizer di umano ay nanghihingi ng ‘unreasonable demands’ sa third world country para sa Pfizer vaccines.
Sa ulat ng London Based Bureau of Investigative Journalism ay hinihingi di umano ng Pfizer na isama ng Argentina ang sovereign assets nito kabilang na ang mga embahada, bank assets at military bases bilang collateral para sa indemnity fund. May kahalintulad din na reklamo ang South Africa.
Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ni Galvez na kaya’t hindi pa sarado ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer ay dahil sa nakita nila na para sa Pfizer ay espesyal ang Pilipinas dahil mayroon ang huli ng tinatawag na unang kaso ng Dengvaxia.
Bukod pa sa nakita rin ng Pfizer na maraming mga challenges o hamon ang Pilipinas kaya’t nagkaroon ng mahabang negosasyon para makamit ang unawaan sa pagitan ng gross negligence at volume ng tinatawag na willful neglect o sadyang pagpapabaya.
“Iyon lng po ang nakita namin na legal impediments na ngayon nakita namin na iyong language.. ma completely iron out,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
214 Bulakenyong naghahanap ng trabaho, hired on the spot sa TNK Fiesta Caravan
LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daan at labing-apat na Bulakenyo ang pumunta na naghahanap ng trabaho at umuwi na may sigurong hanapbuhay sa kanilang pagkaka-hired on the spot sa ginanap na Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair Local and Overseas Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong […]
-
Sulyap sa sprinter na si Isaac M. Gomez
IPINANGANAK noong Hunyo 3, 1934 sa Santo Domingo, Pampanga si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez. Kumaripas ang 5-foot-5 Kapampangan sprint runner sa nasabing quadrennial sports festival sa men’s 100-meter sprint at 4x100m relay. Tumapos siyang panlima sa heat two sa 11.19 seconds at nirendahan ang Philippine […]
-
Naayos na ang sitwasyon after 15 years: YASSER, inaming nagalit sa amang Portuguese dahil iniwan sila
MAKALIPAS ang labinlimang taon, maayos na ang sitwasyon sa pagitan nina Yasser Marta at ama niyang Portuguese. Ayon sa kuwento mismo sa amin ni Yasser… “Sa totoo lang, galit ako sa tatay ko e, kasi nung bata kami parang iniwan niya kami, ganun. “Pero after almost fifteen years, […]