• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PFIZER VACCINE, DINAGSA NG MGA NAIS MAGPABAKUNA SA MAYNILA

DINAGSA ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 vaccine gamit ang Pfizer ang Manila Prince Hotel sa Ermita noong Lunes.

 

 

Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila na kinabibilangan ng kategoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nasa 900 doses ng Pfizer vaccine ang nakalaan sa mga nais magpabakuna sa nasabing hotel.

 

 

Personal din na nagtungo sa nasabing vaccination site bilang kinatawan ng lokal na pamahalaang lungsod si Liga ng Barangay President Lei Lacuna upang magbigay ng direktiba at maisaayos ang pila ng mga nais magpabakuna.

 

 

Bukod sa Manila Prince Hotel ay may 18 vaccination sites pa ang lokal na pamahalaang lungsod na matatagpuan sa buong Maynila kung saan gagamitin ang bakunang Sinovac para sa first dose na nakalaan sa kategoryang A1 hanggang A3.

 

 

Matatagpuan ang mga nasabing vaccination sites sa District 1- Emilio Jacinto Elementary School, Isabelo Delos Reyes Elementary School, at Vicente Lim Elementary School; District 2 – Pres. Sergio Osmeña High School, Francisco Benitez Elementary School, at Plaridel Elementary School; District 3 – Andres Bonifacio Elementary School, Pedro Guevarra Elementary School, at Juan Sumulong Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School, General Malvar Elementary School, at Graciano Lopez Jaena Elementary School; District 5 – Rafael Palma Elementary School, Justo Lucban Elementary School, at Aurora Quezon Elementary School; at sa District 6 – Jacinto Zamora Elementary School, Sta. Ana Elementary School, at EARIST.

 

 

Kasabay nito ay magsasagawa naman ng second dose vaccination gamit ang AstraZeneca vaccine sa Ospital ng Maynila para sa kategoryang A1 hanggang A3 na naturukan ng kanilang first dose nitong Marso 19 at Marso 23.

 

 

 

Bukod dito ay may gagawin din na home service vaccination para sa mga bedridden citizen sa lungsod kabilang na ang mga naka-schedule sa kanilang second dose gamit ang Sinovac vaccine para sa kategoryang A1 hanggang A3 na naturukan ng kanilang first dose nitong Abril 20.

 

 

 

Muling pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga magpapabakuna na nakapag-pre-register na dalhin ang waiver form o QR code para sa gagawing beripikasyon.

 

 

 

Muling hinimok ng Alkalde ang mga hindi pa nakakapagpalista na magpunta sa www.manilacovid19vaccine.com para makapagpa-register.

 

 

 

Muling nagpa-alala si Yorme sa mga magpapabakuna na huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House

    INAPRUBAHAN  ng House committee on suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpaliban ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang gawin ngayong Disyembre 5, 2022.     Sa pagdinig ng komite, isinuwestiyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na magkaroon muna ng consensus kung ipagpapaliban o hindi ang nalalapit na halalan bago […]

  • Kelvin, nag-react sa pagiging ‘Kapuso Drama Prince pero happy sa binibigay na atensyon

    MASARAP daw ang handa ngayong Pasko sa bahay nila Kelvin Miranda dahil sa magkakasunod na blessings na dumating sa career niya.       Isa nga sa nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center si Kelvin kamakailan at inamin niyang na-overwhelm siya sa pinakitang suporta sa kanya ng Kapuso network.       “First […]

  • Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

    Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.     Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region […]