Pfizer vaccines darating sa Abril
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahan na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility.
“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Nasa 117,000 doses ng Pfizer ang darating sa pamamagitan ng COVAX Facility ng WHO at GAVI alliance na tumitiyak na lahat ng bansa ay mabibigyan ng bakuna.
Tiniyak naman umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng World Health Organization (WHO) na mabibigyan ang Pilipinas ng suplay sa kabila ng kakapusan at agawan sa bakuna ng mga bansa sa mundo. Inisyal na naka-iskedyul ang delivery nito noong Pebrero ngunit naantala.
Sa liham ng WHO sa Pangulo, makararating ang mga bakuna basta pipirma ang Pilipinas sa ‘indemnification agreement’. Nais kasi ng mga manufacturer na walang sasagutin sakaling magkaroon ng seryosong side effects ang isang matuturukan ng kanilang bakuna at sasagutin ng host na bansa.
Nagpaalala naman si WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa Pilipinas na maaaring hindi matuloy ang pagpapadala ng donasyong bakuna kung hindi masusunod ang ‘prioritization list” kung saan mauunang bakunahan ang mga healthcare workers, kasunod ang mga senior citizens, at mga taong may ‘comorbidities’.
-
MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU
TUMULAK pa sa Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City. Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan […]
-
‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’
Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro. Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31. Ang voter registration […]
-
Sumama ang loob sa kaibigan at kumpare: MARC, nag-testify laban kay MAGGIE para mailayo ang anak
BIGLANG nag-trend sa social media ang model-TV host na si Marc Nelson dahil nadawit ito sa gulo ng dating mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji. Ayon kay Maggie, nag-testify si Marc “against her” in favor of Victor para mailayo sa kanya ang anak nito. Sumama ang loob ni Maggie dahil kahit magkaibigan sila ni Marc […]