• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PGH Director Dr. Gap Legaspi pinakaunang tinurukan ng Sinovac vaccine sa Pinas

Nagsimula nang gumulong ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kung saan pinakaunang tinurukan ng bakuna sa Pilipinas kontra sa respiratory disease na ito ay si Philippine General Hospital Director Gap Legaspi.

 

 

Dakong alas-9:00 nitong umaga nang magsimula ang ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan gamit ang dumating kahapon na CoronaVac shots, na gawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

 

 

Ang nurse na nagturok ng CoronaVac kay Legaspi ay nakilala na si Sherla Santos.

 

 

Bukod kay Legaspi, tinurukan na rin ng CoronaVac ang iba pang mga eksperto sa larangan ng medisina, at mga opisyal ng pamahalaan para mapalakas na rin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng nabuong hesitancy sa pagbabakuna.

 

 

Kabilang sa mga indibidwal na ito ay sina infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, FDA director general Rolando Enrique Domingo, at MMDA chairman Benhur Abalos.

 

 

Si testing czar Sec. Vince Dizon ay nagpabakuna na rin ng CoronaVac pero sa Tala Hospital naman.

 

 

Sa isang pulong balitaan, nilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque na magpapahuli si vaccine czar Sec. Carlito Galvez na magpaturok ng bakuna na gawa ng Sinovac para mauna ang mga healthcare workers.

 

 

Ayon kay Galvez, target nilang matapos ngayong Marso ang pagbakuna sa mga health workers sa bansa salig na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag lamang mag-concentrate sa isang lugar kundi isama na rin ang mga nasa Visayas at Mindanao.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Salvana ang mga kpawa niya health workers na samantalahin ang pagkakataon na ito at magpabakuna na rin gamit ang CoronaVac ng Sinovac Biotech dahil bagama’t 50.4 percent aniya ang efficacy nito sa mild symptoms pero 78 percent naman sa moderate at 100 percent efficatious kontra severe COVID-19.

 

 

Nakikiusap naman din si Moreno sa mga nabakunahan na na huwag magpakampante at patuloy pa ring sumunod sa health protocols, at hinikayat din ang iba pang mga health workers na magpabakuna na rin. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas

    ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.     Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang […]

  • Trabaho lang daw at walang personalan: SHARON, inunahan na ang natawa sa title ng upcoming TV series na pang-Hollywood

    MARAMI ang natuwa, nagulat at napa-wow nang I-post ni Megastar Sharon Cuneta ang title ng upcoming international project niya na ‘CONCEPCION: A Crime Family Drama.     Caption ni Mega: “(Sige magtawa kayo sa title! Eh wala ganon talaga eh. Trabaho lang walang personalan!)     “Just please read the article. Just might be my surprise #1 for […]

  • Warehouse raid, pinaigting pa ng BOC

    KASUNOD  ng marching order mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin pa ng Bureau of Customs (BOC) ang operasyon laban sa rice smugglers at hoarders.     Ito ay matapos ang kanilang pagkakasabat sa tinatayang P519 milyon halaga ng hinihinalang puslit na bigas sa ilang bodega sa lalawigan ng Bulacan.     Ayon kay […]