PH Alex Eala bumaba ang world rankings bago sumabak sa US Open
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York.
Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit . Ang Filipina sensation ay bumaba sa No. 513 batay sa updated list ng WTA matapos ang career-best placing na No. 505.
Gayunman pagdating sa juniors nasa No. 2 seed si Eala sa US Open girls’ singles.
Ang 16-anyos ay ang world juniors No. 2 sa likod ng No. 1 na si Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra, na siya ring magiging top-seeded player sa nalalapit na US Open.
Target ni Eala ang kanyang first singles at third overall Slam sa US Open ngayong taon matapos makuha ang dalawang doubles titles.
-
Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war
TAHASANG itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng […]
-
Nagluluksa rin sa pagpanaw ng dating manager: KRIS, sising-sisi at nanghinayang na ‘di nag-reach out kay DEO
SISING-SISI at nanghinayang si Kris Aquino na hindi man lang siya nag-reach out noong nabubuhay pa ang yumaong si Deo Edrinal. Sa kanyang Instagram post, isang mahabang mensahe ng pagpupugay ang isinulat ni Kris na kay Deo. Ibinahagi ni Kris ang kanyang panghihinayang na hindi man lang nakarating sa kanya nang lumalala na ang kalusugan […]
-
₱86.5B, kailangan para makapagpatayo ng silid-aralan para sa susunod na taon
NANGANGAILANGAN ang Department of Education (DepEd) ng ₱86.5 bilyong piso para sa pagtatayo ng mga silid-aralan para sa susunod na taon. Bukod pa sa hindi pa nito natutugunan ang kakapusan ng silid-aralan. “The ₱86.5 is actually not the overall shortage, this is just what we think should be implemented in 2023,” […]