PH Army team, nagsimula na ng search, rescue sa earthquake-hit Myanmar
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
nnnnNAGSIMULA na ang Philippine Army team na magpartisipa sa search and rescue mission para sa mga indibiduwal sa Myanmar na winasak ng magnitude-7.7 earthquake noong nakaraang linggo.nnSinabi ng Philippine Army na ang 10-man Search and Rescue (SAR) team mula 525th Combat Engineer Battalion of Combat Engineer Regiment ay sumama para gampanan ang mga ‘specific designations’ kasama ang ibang contingents.nn nn”The team emphasized the adherence to specific security measures to mitigate the risks of petty crimes and the safety protocols to be observed in case of aftershocks,” ang sinabi ng Philippine Army.nnSinabi pa rin ng Philippine Army, na ang SAR team ay may mahalagang papel sa humanitarian assistance at disaster response matapos ang malakas na paglindol sa Turkiye noong February 2023.nn nnNauna rito, ang first batch ng Philippine contingent na may 58 miyembro ay dumating sa Myanmar noong April 1, habang ang second batch na may 33 miyembro ay noong April 2.nnSi Lieutenant Colonel Erwen S. Diploma ang mamumuno sa Philippine contingent na binubuo ng urban search at rescue teams mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources at Private Sector (EDC and APEX Mining).nn nnBahagi rin ng Philippine contingent. ang medical assistance team mula sa Department of Health (DOH) at coordinators mula sa Office of Civil Defense (OCD). (Daris Jose)
-
VELOSO, nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng Pinas – PBBM
“FINALLY, she’s home.” Nakauwi na sa Pilipinas si convicted drug courier Mary Jane Veloso sa Pilipinas matapos ang 14 na taon sa Indonesian death row. Sa isang kalatas, ang pag-anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay kasabay ng pasasalamat nito sa Indonesian government para sa kanilang tulong na ilipat sa […]
-
Isabela muling maghohost ng Patafa Open
ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela. “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]
-
Pumanaw na after makipaglaban sa sakit… Iconic na boses ni MIKE, mami-miss at ‘di na maririnig
PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71. Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador. Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni […]