• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa

BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon.

 

 

Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon.

 

 

Dito ay isa-isang sinaludo at kinamayan ang mga rescuers nina Department of National Defense Secretary Carito Galves Jr., kasama sina Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejando, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Turkish Ambassador Niyazi Eyren Akyol, AFP chief of staff General Andres Centino at iba pang key officials mula sa Department of Foreign Affairs, at Department of Health.

 

 

Ito ay matapos ang labing-apat na araw na misyon ng grupo sa Adiyaman, Turkey na isa sa lubhang naapektuhan ng nasabing lindol kung saan ininspeksyon ng mga ito ang nasa 36 na mga gumuhong gusali kung saan narekober ang anim na labi at nalapatan ng lunas ang nasa mahigit isang libong pasyente nasaktan din mula sa naturang trahedya.

 

 

Ayon kay Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejandro, bibigyan ng tribute o pasasalamat ang mga ito at isasailalim din sila sa debriefing psychosocial intervention.

 

 

Aniya, ang karanasang ito ng ating PH contingent ay malaki ang maitutulong sa paghahanda ng ating bansa sa posibleng sakunang mangyari sa Pilipinas.

 

 

Sa kabilang banda naman ay tinawag na mga bayani ng Turkish government ang grupo dahil sa ipinamalas na kabayanihan ng mga ito sa pagsagip ng buhay ng maraming mamamayan doon.

 

 

Dahil dito ay lubos na nagpapasalamat ngayon ang Turkish government sa pamamagitan ni Turkish Ambassador to the Philippines na si Niyazo Akyol.

 

 

Samantala, sa ngayon ay inihahanda naman na ng Department of Foreign Affairs ang tulong pinansyal na ipapadala ng bansa para sa mga naapektuhan din ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria.

Other News
  • Omicron sumira sa pagtatapos na sana ng COVID-19 ayon sa WHO

    Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na kung hindi lang lumabas ang Omicron coronavirus variant ay tapos na ang pagdurusa ng mundo sa COVID-19.     Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na dahi sa pagkakadiskubre ng Omicron sa Africa noong Nobyembre ay naantala ang matagal ng pangarap ng mga bansa na tapusin […]

  • Isa sa kambal na anak ni football star Ronaldo pumanaw

    MALUNGKOT na ipinaalam ni Manchester United footballer Cristiano Ronaldo at partner nitong si Georgina Rodriguez ang pagpanaw ng kanilang anak na lalaki.     Sa kanyang social media account ay inanunsiyo ng 37-anyos na Portugal na si Ronaldo at 28-anyos na si Rodriguez ang nasabing balita.     Inaasahan kasi nila na kambal ang anak […]

  • Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan

    Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case.   Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang […]