Phase out ng EDSA bus lane, posible – MMDA
- Published on February 7, 2025
- by Peoples Balita
PARA mabawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, pinag-aralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang phase out ng EDSA busway.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na lumutang ang pag-phase out sa EDSA busway dahil na rin plano ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng isang bagon sa mga train ng MRT na mayroong 30% capacity sa bawat trip.
Nilinaw naman ni Artes na ang plano ay gagawin kung kaya lamang ng MRT na i-accomodate ang lahat ng pasahero ng bus carousel, subalit kung tutuusin aniya ay hindi naman inconvenient ang bus dahil hindi lahat ng istasyon ng MRT ay may bus station.
Sa sandaling matupad aniya ito ay magiging libre ang isang lane kaya may mungkahing ipagamit sa “high occupancy vehicles” tulad sa Amerika na kung tatlo o apat ang pasahero ng pribadong sasakyan ay maaaring gamitin ang special lane.
Paliwanag pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga pasahero sa MRT ay hindi na nila nakikitang kailangang pa sumakay ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.
Giit pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga pasahero sa MRT, hindi nila nakikitang kailangang sumakay pa ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.
“Kung ma-accommodate naman sa taas sa train ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya, and mas bentahe ang train,”ayon pa kay Artes.
Plano na rin ng DOTr na plano na pagdugtungin ang MRT at Light Rail Transit (LRT).
-
Jesus; Matthew 6:34
Do not worry.
-
PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20
MAGPAPARTISIPA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20 habang ang mundo ay nakikipaglaban sa economic fallout sanhi ng COVID-19 pandemic. Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.” Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]
-
VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’
MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’ “Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na […]