Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.
Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.
Ibinunyag pa ni Samson na nagsumite ng kanilang letter of apology at courtesy resignation sina Southeast Asian Games (SEA) gold medalist Samuel Morrison at silver medalist Arven Alcantara matapos na akusahan ng pagsasagawa ng online training session subalit hindi ito tinanggap ng kanilang grand master at pinatawad din ang mga ito.
Ang nasabing online seminar kasi ay pinangunahan ni Sydney Olympics veteran Donnie Geisler na ang layon ay para ma-inspire ang karamihan habang nasa loob ng kanilang mga bahay.
Kabilang kasi sina Morrison at Alcantara sa limang taekwondo players ng bansa na malaki ang tsansa na makalaro sa Tokyo Olympics kasama sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa at 2016 Olympian Kirstie Alora.
-
Kasama sa list of finishers ayon mismo sa organizers: RHIAN, naglabas ng proof na natapos nila ni SAM ang NYC Marathon
MAY sagot na si Rhian Ramos kalakip ang NYC Marathon letter tungkol sa ibinalitang hindi raw nila natapos ang race ni Rep. Sam Verzosa. Ayon sa Kapuso actress, “I emailed New York Road Runners to ask why 3 of our splits were missing… here’s their response (Yup! Fact checking is THAT easy!)” Sumagot naman ang […]
-
DOH naglinaw: ‘Walking pneumonia’ cases ng Pilipinas magaling na
NILINAW ng Department of Health (DOH) na nag-“recover” na ang mga kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas, bagay na pinangangambahan ngayon ng publiko. Miyerkules lang kasi nang kumpirmahin ng kagawarang umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o “walking pneumonia” ang naitatala sa bansa magmula pa Nobyembre. “[T]he […]
-
Nag-comment sa IG post ni Joey tungkol kay BBM: TONI, nabuking tuloy ng netizens ang pagiging ‘stalker’
ANG Love You Stranger na magsisimula ng mapanood sa primetime sa Lunes, June 6 ang full-length serye ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at matagal din hinintay na matuloy ito kaya mas special daw sa kanila. Bukod pa rito, first rin ni Khalil as Kapuso. “Lahat naman […]