Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India.
Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo.
Nangunguna pa rin sa Group B ang Australia na mayroong tatlog panalo at wala pang talo.
Mula sa simula ng laban ay dominado ng Pilipinas ang laro kung saan hindi na nila pinaporma ang mga manlalaro ng Indonesia.
Target ng Pilipinas na makakuha ng isa sa limang Asian slots ng 2023 FIFA Women’s World Cup.
-
LANDBANK at LTO: ANYARE sa DELAY ng CAR PLATES
Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 to 2018 kung hindi maiaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito. Resulta diumano ito nang i-freeze ng Landbank Ortigas branch ang P180 million pesos na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc. […]
-
Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’
SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar. Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’. Nilinaw naman […]
-
2 Pinoy patay sa Turkey quake, 34 iba pa inilikas
DALAWANG Pinoy na una nang naibalitang nawawala sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey ang kumpirmadong nasawi sa Antakya, pero sa kabutihang palad ay natuklasang buhay naman ang isa sa mga nawawala. Una nang ibinalita ng grupong Filipino Community in Turkey na tatlong Pilipina ang hindi mahagilap matapos ang lindol, bagay na pumatay […]