Philadephia Eagles, champion sa 2025 Super Bowl
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
DINOMINA ng Philadelphia Eagles ang Super Bowl 2025, daan upang ibulsa ang ikalawang championship sa kasaysayan ng koponan.
Hindi pinaporma ng Eagles ang Kansas City Chiefs sa hangad ng huli na maibulsa ang three-peat. Sa halip ay tinambakan ng Eagles ang defending champion sa score na 40 – 22.
Sa higpit ng depensa ng Eagles, halos hindi nakaganti ang mga Kansas star na sina Patrick Mahomes at Andy Reid. Sa pagtatapos ng first half, hawak na ng Eagles ang 24 – 0 lead.
Kabilang sa nagpalobo sa lead ang dalawang interception ni Mahomes na nagbigay kaagad ng 14 points sa Eagles.
Lalo pang pinalaki ng Kansas City ang lead sa 3rd quarter kasunod ng 46-yard touchdown pass ni Jalen Hurts para kay DeVonta Smith at pinaabot sa 34 – 0 ang score.
Kumamada ang quarterback si Jalen Hurts ng kabuuang 293 yards at tatlong touchdown sa panalo ng Eagles. Dahil sa episyenteng performance, pinangalanan siya bilang most valuable player
Sa panig ng Chiefs, pinilit nilang humabil kasunod ng 34 – 0 lead ng Eagles. Pinangunahan ni Mahomes ang comeback effort ng koponan at sunod-sunod na gumawa ng tatlong touchdown passes.
Gayunpaman, hindi pa rin ito naging sapat at tuluyang natapos ang laban sa score na 40 – 22.
Pinasalamatan naman ni Hurts ang kaniyang mga teammate na aniya’y pawang tumulong upang maibulsa ang kampeonato.
-
LTO pinaalalahanan ang mga motorista na agarang ikabit ang kanilang plaka, nagbabala ng 5,000 multa sa lalabag
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na ikabit ang kanilang plaka sa kanilang mga sasakyan matapos makatanggap ng mga ulat na may ilang may-ari ng sasakyan na sadyang hindi ito inilalagay kahit na na-release na. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagmamay-ari ng sasakyan ay may […]
-
Director David F. Sandberg, Shares Production Update on ‘Shazam! Fury of the Gods’
DIRECTOR David F. Sandberg has shared an update on the production status of Shazam! Fury of the Gods. Based on the DC Comics character of the same name, Sandberg’s first Shazam! movie came out in 2019, becoming an instant hit among audiences thanks to its entertaining blend of humor and heart. The movie […]
-
Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg
MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5. Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, […]