Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa.
Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.
Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Melquiades Robles sa isang pulong.
Tiniyak ni Acorda kay Robles na mahigpit niyang ipatutupad ang one-strike policy laban sa mga police commander na mabibigo na itigil ang mga aktibidad ng illegal gambling sa kani-kanilang mga lugar ng responsibilidad.
Bilang kapalit, pinasalamatan ni Robles si Acorda sa kanyang suporta at pangako sa kampanya ng gobyerno laban dito.
Binanggit niya na ang operasyon ng ilegal na pagsusugal ay sumisira sa kakayahan ng ahensya na makabuo ng mas mataas na kita dahil ang mas malaking bahagi ng kanilang mga kita ay napupunta sa mga kamay ng mga illegal operator. (Daris Jose)
-
ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas
NAGING matagumpay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard” para i-minimize ang red tape at i-digitalize ang bureaucratic processes. […]
-
Sa kanyang pagbabalik sa GMA Primetime… KYLIE, ramdam na mas proud kesa ma-pressure sa ‘Bolera’
BALIK-PRIMETIME ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. At more than napi-pressure raw, mas sobrang proud daw ang nararamdaman niya sa kanyang comeback, ang Bolera. Sey ni Kylie, “Sobrang proud kasi talaga ako sa serye na ito. It’s subject is good, even more no’ng pinapanood ko na siya. Sobrang saya ng […]
-
P470 umento sa NCR, ipipilit sa wage board
MULING naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng P470 dagdag-suweldo para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ay makaraang ibasura noong Lunes ng wage board ang naunang petisyon ng TUCP dahil hindi umano sila maaaring makapagbigay ng “across the board” na umento. […]