Philippine Heart Center, nagdiwang ng 50th Anniversary, iba’t ibang aktibidad inilunsad
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
IPINAGDIWANG ng Philippine Heart Center (PHC) ang kanilang ika-50th anibersaryo nitong Pebrero 14, 2025. Sa isang press conference na ginanap nitong Pebrero 14, tinalakay ng mga opisyal ng PHC ang kanilang mga nagawa at mga plano para sa hinaharap.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilunsad ng PHC ang iba’t ibang aktibidad, kabilang ang isang charity fun run na tinatawag na “Run with a Heart,” na naglalayong tumulong sa mga pasyenteng may valvular disease.
Bukod dito, nakipagtulungan ang PHC sa Makina Watches upang lumikha ng isang limitadong edisyon ng relo bilang paggunita sa kanilang ginintuang anibersaryo.
Sinabi ni Dr. Avenilo Aventura Jr., Executive Director ng PHC, na taon taon may 14,000 ang mga pasyenteng may sakit sa puso ang kanilang naaadmit at mahigit na 5,000 ang naooperahan sa kanilang ospital.
Samantala, katuwang din ng PHC ang Philhealth sa ilalim naman ng programang Philhealth Z-Package Benefit. Ayon pa sa mga Cardiologist mula sa PHC, competitive ang nabanggit na ospital sa ibang bansa kung ang pag uusapan ay heart surgery. (PAUL JOHN REYES)
-
Direk Dado, all praises sa mag-sweetheart: KIM, nag-interview ng bulag at nag-boxing si XIAN para sa balik-tambalan
MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao. Binahagi nina Kim and Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito. Nag-post si Xian sa kanyang Instagram account na may caption na, “I missed you {Kim Chiu}. After […]
-
Oust Marcos plot, ‘hallucination’- Roque
SINABI ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” lang ang napaulat na planong pagpapatalsik di umano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto. Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng […]
-
Ads April 6, 2024