Philippine mens’ football team nanawagan ng suporta sa nalalapit na ASEAN Cup
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAAGANG naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.
Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Habang mayroon din silang mga laro sa labas ng bansa gaya sa Lao National Stadium sa darating na Disiyembre 15 at makakaharap naman ang Indonesia sa Disyembre 21 na ito ay gaganapin sa Gelora Bung Karino Stadium.
Sinabi ni Freddy Gonzales ang Director of National Senior Teams for the Philippine Football Federation, na magagamit ng national team ang ilang mga natutunan nila sa mga nagdaang friendly games mula sa ibang mga bansa.
Sa darating naman na Disyembre 2 ay gaganapin ang national training camp nila at doon na maaring mapili kung sino ang pinal na mga isasabak.
Nanawagan ito sa publiko na suportahan ang Philippine team lalo na kapag ang laro ay gaganapin sa bansa.
-
General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check
INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation. Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay […]
-
SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo
AABOT sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021. Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon. […]
-
PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas
MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]