• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine rowers suportado ng PSC

Bukod sa tulong-pinansiyal ay suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mental health ng mga national rowers na tatarget ng Olympic Games berth sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng PSC ang nagpapatibay sa pag-iisip ng five man-national rowing team na sasagwan sa 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic Qualification Regatta sa Tokyo Bay.

 

 

“Diretso ang suporta at monitoring nila (PSC) sa amin. Hindi man naging madali ang preparations, motivated ang mga athletes natin,” ani national rowing coach Edgardo Maerina, ang kauna-unahang Pinoy na sumabak sa Olympics rowing event noong 1988 sa Seoul, Korea.

 

 

Tiniyak naman ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang kanilang suporta sa mga national rowers na pamumunuan nina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco. “The PSC will give all-out support for our athletes no matter the present situation, for as long as we can,” ani Ramirez.

 

 

Sasabak sina Caballero at Delgaco sa women’s lightweight double sculls habang lalahok sina Zuriel Sumintac at Roque Abala sa men’s lightweight double sculls at lalaban si Cris Nievarez sa men’s single sculls.

 

 

“Salamat po sa PSC sa pagsuporta at pagtitiwala sa amin,” sabi ni Caballero. “Regular po ang online consultations namin sa sports psychology and sports physiology.”

Other News
  • Kahit busy sa showbiz career: MATTEO, naka-graduate na sa kursong Marketing Management

    NAKAKA-HAPPY kapag may mga celebrities tayo na sa kabila ng pagiging busy sa kanilang showbiz career ay nakukuha pang i-prioritize ang pag-aaral hanggang makapagtapos.     Isa sa mga bagong graduates ng batch 2023 ay si Matteo Guidicelli.     Nito lamang Disyembre ay nakamit na ni Matteo ang kanyang college bachelor’s degree sa kursong […]

  • NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas

    NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong isulong ang bayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad. Personal din na bumisita sa lungsod si DILG Secretary Benhur […]

  • Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

    Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.     Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) […]