• April 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores

Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores.

 

Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding committee na binuo ng ahensya ang pinag-uusapang pagbagsak ni Amores sa laro ng basketball.

 

Ayon sa organisasyon, ang pagpupulong ay naglalayon upang malaman kung ano ang nangyari, kung ano ang nagawa, at kung anong mga hakbang ang maaaring irekomenda upang ang ecosystem ng lahat ng amateur na sports ay muli umanong mapalakas.

 

Dagdag pa nila, marami itong nakuhang impormasyon mula sa mga opisyal na naroroon na maaaring makatulong sa kanilang mabilis na pagdedesisyon kung paano matutugunan ang sitwasyon ng basketball player na si Amores.

 

Dahil ang coordination meeting ay ginanap sa likod ng mga saradong pinto, walang gaanong impormasyon ang ibinunyag kung paano at ano ang napag-usapan ngunit kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang kanilang pagpayag na magbigay ng pagpapayo kay Amores.

 

Anila, nag-offer ang organisasyon kay Amores ng free counseling sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission Pyschology Team.

 

Una rito, ang naturang orgnanisayson ay maglalabas ng rekomendasyon pagkatapos ng pagtatasa at pagtalakay ng komite sa paghahanap ng katotohanan ukol sa nasabing issue kay John Amores. (CARD)

Other News
  • Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap: JUANCHO, honored na nanalong best supporting actor sa TAG Awards

    MASAYANG nagbabakasyon si Kapuso actor Juancho Trivino with his wife Joyce Pring and their baby boy sa Tokyo, Japan last Christmas, nang matanggap niya ang magandang balita.      Nanalo siyang Best Supporting Actor for his stellar work as Padre Salvi in the historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” sa TAG Awards […]

  • ARTA Chief Lauds BOC for Efforts Against Red-tape

    THE Bureau of Customs (BOC) was recognized by the Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Jeremiah B. Belgica during his visit to the BOC yesterday, February 26, 2020, for its efforts to simplify frontline processes, automate systems and implement a zero-contact policy in compliance with ARTA’s thrust to reduce red tape and expedite government processes.   […]

  • PGH director nagbabala dahil posible ang ‘surge’ ng Covid-19 sa Enero

    Umapela ang direktor ng Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga kapwa pagamutan na ngayon pa lang ay paghandaan na ang inaasahang pagdating ng mga pasyente pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.   “Hindi dapat magpabaya at maging overconfident,” ani Dr. Gerardo Legaspi sa isang media forum.   Pahayag ito ng opisyal kasunod ng anunsyo ng […]