Philippine team nakahanda na para opening ceremony ng Paris Olympics
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
PLANTSADO na ng Philippine Team ang kanilang gagawing pag-martsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pangungunahan nina Pinoy boxer Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.
Hindi makakasama si Tolentino sa parada dahil pinili niyang umupo sa family section sa gilid ng River Seine.
Makakasama nina Paalam at Petecio ay sina kapwa boksingero na sin a Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, swimmers Kayla Sanchez at Jarrod Hatch, gymnast Aleah Finnegan at fencer Samantha Catantan.
Nakasakay naman sa bangka na nakatalaga sa Pilipinas sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at ilang sports officials Michael Angelo Vargas ng swimming, Marcus Manalo ngboxing, Cynthia Carrion Norton ng gymnastics, Patrick Gregorio sa rowing at Agapito “Terry” Capistrano sa athletics.
Hindi naman makakasama ang mga boksingerong sina Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco dahil naghahanda sila sa kani-kanilang laban sa araw ng Sabado habang si pole vaulter EJ Obiena ay nakatuon pa rin sa kaniyang pre-game preparations sa Normandy.
Ang mga tatlong weightlfters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ay hindi pa natatapos ang kanilang training sa Metz at nakatakdang dumating sa Olympic Village sa Agosto 6.
Kukumpleto sa 22-atleta ng bansa ay sina gymnast gymnasts Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, golfers Bianca Pagdangan at Dottie Ardina at judoka Kiyomi Watanabe.
Magsisimula ang Opening ceremony ng dakong ala-7:30 ng gabi sa Paris o 1:30 ng madaling araw sa Pilipinas ng Sabado.
Magiging makasaysayan ang nasabing Paris Olympics dahil hindi ito gagawin sa isang stadium at sa halip ay gagawin ito sa River Seine.
-
Lalaki na may bitbit na baril sa Malabon, laglag sa rehas
SA loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City. Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng […]
-
12 nanalong senador naiproklama na
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections. Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]
-
Nag-donate naman ng ambulansya sa ospital: Pinupuring ‘Love is Essential’ campaign ni GRETCHEN, tuloy-tuloy lang
MAGBABALIK na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann pagkaraan ng ilang buwang paninirahan sa Maynila. Hindi raw agad umuwi sina Andi pagkatapos tumama ang typhoon Odette sa isla noong December 2021. Post ni Andi sa Instagram: “Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut […]