Philippine youth squads sasalang sa Malaysia water polo tilt
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
ISASABAK ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang 30 junior athletes sa 60th Malaysia International Age-Group Water Polo Championships sa Abril 18-20 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sinabi ni PAI Secretary-General Anthony Reyes na ang mga batang water polo athletes ay binubuo ng mga competitive age-group swimmers at sumailalim sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ni Serbian coach Filip Stojanovic sa nakalipas na walong buwan. “Ang mga batang manlalarong ito, na karamihan ay binubuo ng mga teenager, ay nagsimula kamakailan ng 10-taong developmental at training program ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pamumuno nina president Miko Vargas at Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa suporta ng Philippine Sports Commission,” ani Reyes. Sasabak ang mga junior athletes sa 21-under (boys) at 24-under (girls) division. Kasama ng tropa patungong Malaysia sina head coach Roi Dela Cruz at Sherwin Dela Paz. Ang event ay bahagi ng paghahanda ng PAI dahil ang PSC ay todo suporta sa plano ng aquatics na magpadala ng women’s team sa 47th Sea Age-Group Championships sa Malaysia at sa 33rd SEA Games na naka-iskedyul ngayong Disyembre sa Thailand. Ang huling pagkakataon na nagpadala ang bansa ng women’s team sa prestihiyosong biennial event na ito ay noong 2019,” dagdag pa nito. Ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Julia Basa, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ang junior boys ay kinabibilangan nina Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag at Sebastien Castro. Samantala, nagpasalamat si Reyes sa artistic swimmer na si Zoe Lim sa pagkapanalo ng bronze medal (13-14) class sa katatapos na 2025 West Australian Artistic Swimming Cup sa Perth, Australia. “Congratulationsto Zoe. Consistent ang ating mga atleta sa artistics swimming since nagbuo tayo ng team sa Asian Age-Group Swimming Championship when the country hosting the event in February last year,” Ang kasamahan ni Lim na si Carmina Sanchez Tan, isang silver medalist sa 2024 SEA Age Group Swimming Championship, ay kasalukuyang sumasabak sa 2025 US National at Junior Artistic Swimming Championship sa Greensboro, North Carolina. Siya ay nakikipagkumpitensya sa Solo, Duet at Team Free routine bilang miyembro ng The Meraquas ng Irvine Artistic Swimming Team.
null
-
Magpabakuna laban sa tigdas: Malakanyang, pinayuhan ang mga magulang, guardians na dalhin ang mga anak sa mga health centers
PINAYUHAN ng Malakanyang ang taumbayan lalo na ang mga magulang na magpunta sa kani-kanilang health centers dahil sa kampanya ng gobyernong “Bakunahan sa Purok ni Juan”, handog ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak laban sa tigdas. Sumipa na kasi ang bilang ng kaso ng measles-rubella o tigdas sa bansa mula noong Enero […]
-
Cartel sa sugar industry buwagin, parusahan sangkot na opisyal, hamon kay BBM
HINAMON ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) si Presidente Bongbong Marcos na buwagin ang cartel sa sugar industry at parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot dito, lalo na ang mga nasa Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA). Ito ang tugon ng grupo sa pahayag ng pangulo […]
-
Pagunsan, Delos Santos Que lalagare pa sa JPG
SAMA-SAMANG humataw sina Juvic Pagunsan, Angelo at at Justin Delos Santos sa pagsambulat ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture nitong Huwebes, Abril 29. Makikipagrambulan ang tatlong bala ng ‘Pinas sa titulo kaharap ang 102 […]