• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

UMARANGKADA pa nang husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.

 

 

Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan ang women’s 200m butterfly sa bendisyon ng impresibong 2:20.85.

 

 

Inilampaso ni Mojdeh sina French tankers G­abriella Lardier-Puigdomene (2:26.42) at Lisa Verdier (2:28.43) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“I am extremely happy with the second day turn out despite the colder temperature here in France. Swimmers gave all their best in their respective events. I think they are filled with so much excitement to swim side by side with the European and world champions that it translated to their swim and were able to win medal for our country,” ani Philippines BEST-Swim League Philippines team manager Joan Mojdeh.

 

 

Nagpasiklab din si Lucena pride Ivan Radovan nang masikwat nito ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas nang mangibabaw  sa men’s 200m butterfly.

 

 

Nairehistro ni Radovan ang 2:10.28 upang masiguro ang gintong medalya kung saan pinataob sina France bets Nat Villerfranche (2:11.27) at Meaux Natation (2:12.27).

 

 

Humataw din ang Behrouz Persian Cuisine-sponsored team ng tatlong pilak na medalya mula kina Jordan Ken Lobos, Hugh Antonio Parto at Lance Argel Lotino sa kani-kanyang events.

 

 

Pumangalawa si Lobos sa men’s 200m breaststroke (2:22.66) habang sumegunda rin si Parto sa men’s 200m butterfly (2:13.48) at si Lotino na naka-pilak sa men’s 50m breaststroke (31.70).

Other News
  • TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB

    ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.     “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]

  • Ads January 22, 2021

  • Russian tennis player Daria Kasatkina inaming may karelasyong na kapwa babae

    IBINUNYAG  ni Russian tennis player Daria Kasatkina na ito ay gay.     Ayon sa world ranked number 12 na siya ay mayroong nakarelasyon na isang babae na si figure skater Natalia Zabilako.     Lumabas ang espekulasyon matapos na makita ang larawan ng dalawa sa social media.     Dagdag pa nito naging mahirap […]