• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines-China agreement, makatutulong na buhayin muli ang local steel industry — envoy

MAKATUTULONG na muling buhayin ang  steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.

 

 

“Kung titingnan po natin iyong 14 agreements, nakikita po naman natin na mukhang solid naman ang mga proyekto na nasa table ngayon. Halimbawa po, iyong agreement ng Baowu Steel at SteelAsia,” ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Jaime FlorCruz sa isang media forum sa Quezon City.

 

 

“Ang ini-expect po natin ay magpapasok ng 1.5 to 2 billion dollar investment para magtayo ng unang-unang liquid steel plant,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“So ang plano pong ito ay mag-uumpisa iyong ating steel industry. Kasi kung wala tayong steel industry na sarili, iyong manufacturing natin, lalo lagi tayong reliant on imports,” ang wika ni  FlorCruz.

 

 

Sa ulat,  tinatayang may 14 na  bilateral deals ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa state visit nito sa China mula Enero  3 hanggang 5, kabilang na ang  investment pledges na nagkakahalaga ng  $22 billion.

 

 

Ang kasunduan na ito ay nasa sektor ng agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, at turismo.

 

 

Sinabi ni FlorCruz na ang bilateral deals ay  umaayon  sa layunin at pangangailangan ng pamahalaan.

 

 

“Makikita po aligned ito sa ating pangangailangan dito. Hindi lang po ito dahil gustong magbenta ang China kung hindi dahil po kailangan natin at magbe-benefit tayo sa mga ganitong agreement,” ayon sa  ambassador.

 

 

Aniya, ang kasunduan na nahamig ng Pangulo ay makapagde- deliver ng ” tangible benefits at concrete projects.”

 

 

“Paano po natin ma-assure na mangyayari ‘yung pinapangako? Hindi po madali. Kasi kailangan ng follow through at ‘yun ang importante. ‘Yung mga pledges po, una, ay ang tingin ko nanggagaling sa taas. Hindi lamang ng mga kumpanya, mga Chinese companies na nag-sign,” ani FlorCruz. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal

    APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga.   Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat […]

  • Pacquiao, ginulat ang mundo na ‘done deal’ na ang August fight vs undefeated champ Errol Spence

    Binulabog ni Senator Manny Pacquiao nitong Sabado ng madaling araw (afternoon in US) ang mundo ng boxing nang ianunsiyo niya sa pamamagitan ng kanyang social media account ang laban kontra sa undefeated welterweight champion na si Errol Spence.     Ang unified welterweight championships ay gaganapin sa August 21 nitong taon sa Las Vegas.   […]

  • MARIAN, excited na ring makita ang kanyang inaanak: JENNYLYN at DENNIS, ‘di na makapaghintay sa pagdating ng first baby nila

    MARAMI nang nagtatanong kung nagsilang na raw si Kapuso actress Jennylyn Mercado ng baby girl nila ni Dennis Trillo.      Balita raw kasi noon pang April 26, ay nakaramdam na ng labor pain si Jen, but as of this writing (April 28), wala pang confirmation, kahit sa kani-kanilang Instagram account nina Jen at Dennis. […]