Phivolcs, ibinaba na sa Alert level 2 ang alerto sa Taal Volcano – Phivolcs
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Alert level 2 sa bulkang Taal sa probinsiya ng Batangas.
Paliwanag ng Phivolcs na kasunod ng phreatomagmatic eruption ng main crater noong Marso 26 ng kasalukuyang taon at naitalang anim na phreatomagmatic bursts hanggang sa katupasan ng Marso.
Nakitaan din ng siginificant na pagbaba ang aktibidad ng bulkan sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon sa Phivolcs nakapagtala lamang ng 86 volcanic earthquakes na hindi malalakas at hindi gaanong nararamdaman na pagyanig.
Karamihan aniya sa mga pagyanig ay dahil sa volcanic degassing mula sa shallow magma at hydrothermal region mula sa ilalim ng taal volcano island.
-
Masterlist ng mga babakunahan ng COVID -19 vaccine, inihahanda na
KINUKUHA na ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga pangalan ng health workers sa buong bansa. Ito’y bilang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19. Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, may ginagawa ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang pagamutan ganundin sa Local Government […]
-
Bill vs no exam sa mga estudyante na‘di bayad tuition, pasado na sa Kamara
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa mga paaralan na payagan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs) na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula. Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o […]
-
1-week academic healthbreak sa mga paaralan sa Maynila, iniutos ni Yorme
INUMPISAHANG ipatupad kahapon, Biyernes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang linggong ‘healthbreak’ sa mga paaralan sa siyudad upang makapagpahinga umano ang mga guro at mag-aaral. Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ‘healthbreak’ umpisa Enero 14 hanggang Enero 21 sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan. […]